MAGKAHAWAK kamay na pasimpleng lumabas ng party sina Thalia at Radaon. Kabado man ay pilit nilabanan ni Thalia ang kaba nito para harapin si Amanda at para mawala na rin ang mga agam-agam nito sa pagbabago ni Radson. Nagtungo sila sa garage ng mansion. Napalinga sila na hinahanap si Amanda. Mabuti na lang at abala ang lahat sa party. Kaya walang nakapansin sa tatlo. Hindi naman nagtagal, nagpakita si Amanda na nagkukubli sa isa sa mga sasakyang nakaparada doon. “Babe–” Natigilan ito at napalis ang matamis na ngiti sa mga labi na mapansin si Thalia. Napalunok pa ito na mapasulyap sa kamay ng dalawang magkahawak. Kita ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito na nag-angat ng paningin at tumitig kay Radson. “Babe, what's this? This is not what I'm expecting. You're just kidding me, right?” a

