MAGHAPONG nakakulong sa bahay ang dalawa. Tinatamad na kasing pumasok sa trabaho si Thalia at masakit ang buong katawan nito lalo na ang kanyang p********e. Hindi na rin lumabas si Radson. Inalagaan niya si Thalia dahil nanghihina ito at paika-ika maglakad. “Hwag na kaya tayong pumunta, love?” tanong ni Radson dito na bakas ang pag-aalala sa mga mata. “Hindi pwede, hubby. Kaya ko naman e. Ayoko namang hindi kayo kumpleto ngayong gabi dahil sa akin,” sagot ni Thalia na inaayusan ang sarili sa harapan ng vanity mirror nito. “Pero hindi pa maayos ang pakiramdam mo e.” “Okay lang ako. Kaya ko, okay? Hwag ka nang mag-alala. Isa pa, sa mansion ang pupuntahan natin. Kung lalala ang sinat ko e ‘di magpapahinga na ako. At least nandoon tayo,” sagot ni Thalia na ngumiti sa asawa nitong nag-aa

