LUMIPAS ang mga araw, hindi na ulit nakakadalaw si Radson sa bahay nila Amanda dahil na rin sa trabaho nito. Madalas na nga silang magtalo ni Amanda dahil napaka-demanding ni Amanda. Palagi nitong kinukulit si Radson na mag-date sila, magbakasyon abroad o kahit dito lang sa bansa. Pero dahil nasa limang malalaking kumpanya ang hawak ni Radson na nakapangalan sa mga kapatid niya, hindi niya mapagbigyan si Amanda. Sinusuhulan na lamang niya ito ng pera, binibili ang mga gusto ni Amanda kahit mga branded na bags, shoes, stiletto, make-up, clothes at iba pa. Kulang na lang, magpabili na rin ng kotse at condo si Amanda kay Radson! Gabi-gabing lumalabas si Amanda. Nagha-hangout kasama ang mga barkada sa mga kilalang bar dahil pera ni Radson ang ginagamit nito. Namo-monitor naman ito ni Radson d

