MATAPOS ang kasal, pilit na ngumiti ang dalawa sa lahat. Pero kitang-kita sa mga mata nila ang lungkot– lalo na si Thalia. “Hello, hija, welcome to the family,” magiliw na wika ni Lalyn kay Thalia. Nahihiyang ngumiti si Thalia na bumeso at magaan siyang niyakap ng kanyang mother in-law. Sumunod ang asawa nito na kilalang isang PNP General ng bansa. “Welcome to the family, Thalia. We're so happy to finally found you,” wika ni Edward na bumeso din dito at magaang niyakap si Thalia. Sunod na nagpakilala at iniwelcome ito ng mga nakababatang kapatid ni Radson, maging ang iba pa nilang kamag-anak at family friends na bisita sa kasal. Kahit paano, gumaan ang bigat sa dibdib ni Thalia. Naibsan ang takot at pangamba sa puso niya dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya ng buong pamilya ni R

