PATAPOS nang maghugas ng mga pinagkainan ni Radson si Thalia nang malingunan nito si Radson na pababa ng hagdanan at nakagayak na. Napapunas siya ng kamay na nagmamadaling sinalubong ito. Nagtataka naman si Radson na ito ang unang beses na kusang si Thalia ang lumapit sa kanya. “Uhm, sir,” paninimula ni Thalia na hindi makatingin sa kanya ng diretso. “Yes, Thalia? What is it?” tugon ni Radson. Kung wala lang siyang mahalagang meeting ngayong araw, hindi siya aalis ng bahay. “Uhm, sir, baka po. . . baka po pwedeng hwag mo itong banggitin kay Amanda. Na. . . na natulog po kayo ngayon dito. Hindi sa hindi kayo welcome na matulog dito kundi– tiyak na iba po ang iisipin ni Amanda at tayong dalawa lang ang nandito sa bahay.” Nahihiyang wika ni Thalia na napayuko. Napanguso naman si Radson

