MAINIT ang ulo ni Radson na bumalik sa opisina nito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis ito na makitang may ibang kasama si Thalia sa labas at mukhang ito nga ang nobyo niya. “Damn, Radson. Ano ba'ng ikinakagalit mo?” kastigo ng utak niya sa kanya. Hindi siya makapag-focus sa trabaho. Kahit kanina sa meeting niya kasama ang investor nila sa pharmaceutical, hindi siya makapag-focus dahil maya't-maya siyang nakatanaw kay Thalia at sa kausap nitong lalake. Nabali niya ang hawak na pen na naglalaro sa isipan ang pagtabi ng binata kay Thalia kanina sa upuan nito at niyakap ang dalaga. Sobrang pikon na pikon siya sa scenario na iyon. Kumukulo ang kanyang dugo sa hindi maipaliwanag na dahilan. “Nagseselos ka ba dahil may boyfriend si Thalia?” tukso ng utak nito

