KINABUKASAN ay magkakasamang nag-agahan ang pamilya Parker– maliban kay Radson na hindi ulit sumabay sa kanila. Matapos mag-agahan, umuwi na rin si Radson at Thalia sa bahay. “Baba,” malamig na wika ni Radson nang makalayo na sila sa mansion. Nagtataka naman si Thalia na napalingon dito at bakas ang kaseryosohan sa mukha. “B-bakit po, sir?” nauutal na tanong ni Thalia na nakamata dito. “Get a taxi and go home by yourself. Mali-late na ako sa meeting ko,” sagot ni Radson ditong napalunok. “P-pero, sir, wala po akong pera dito,” nauutal na saad ni Thalia at napaiwas ng tingin dito. “Where's my card? Use it.” “Hindi ko po dala, sir.” “Damnit.” Napalunok na napayuko si Thalia na nagtanggal ng seatbelt nang mapamura si Radson. “Sige po, sir.” Pamamaalam ni Thalia na bumaba na sa

