PAGDATING nila sa airport ay sinalubong sila ng dalawang staff mula sa pinag-booked-an nilang luxurious resort at tumuloy na sa resort. Sumakay sila sa speedboat patungong resort dahil nasa isang oras pa ang lalakbayin nila. “Ang ganda dito,” usal ni Thalia na nasa cabin habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Asul na asul ang kulay ng dagat at tamang-tama lang ang init ng sikat ng araw. Napangiti ito nang yumapos si Radson sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot silang mag-asawa ng sunglasses at napakaganda nilang pagmasdan na ang sweet nila sa isa't-isa. “Mas maganda ka pa rin, love.” Malambing sagot ni Radson ditong napairit na mahinang nasiko ito sa tyan na napahagikhik. Hinugot nito ang cellphone sa bulsa at iniabot sa isang transfer staff na umaalalay sa kanila haban

