Mabilis ang takbo ng sinasakyan ni Trinity na taxi. Ngunit mas mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan ni Edward. Hindi nito alintana ang maraming sasakyan na nakakasabayan nito sa highway maging ang mga sasakyan nakakasalubong nito. “Manong, wala na po bang ibibilis ito?” “Overspeeding na po tayo ma'am.” “Manong, tre-treplihin ko po ang kita nyo ngayong araw o kahit times ten pa po. Pakiusap, wag po ninyong iwala sa paningin ninyo ang sasakyan ng asawa ko.” Panay ang hikbi niya at ang mga luha ay walang ampat sa pagpatak. Grabe yung kaba niya at takot na lumulukob sa buo niyang sistema. Edward is furiously driving his car. Panay ang usal niya ng panalangin na huwag sana itong maaksidente. “Edward, please!” Usal niya sa hangin habang panay ang hikbi. Ngunit ang kanyang panalangin ay hi

