“Trinity!” Malakas na sigaw ni Conan Quijano ang umalingawngaw sa loob ng silid aklatan. Napahampas ito ng malakas sa ibabaw ng study table. “Papa, sorry po, Papa, sorry po!” Nanginginig at hilam sa luha ang mukha ni Trinity. Ang kanyang mga kamay ay humigpit ang paghawak magkabilang tagiliran ng kanyang suot na pajama. “Trinity, I raised you with so much love, and I never fail to remind you to respect yourself, love yourself, and remain pure until I set you off for marriage. Pero bakit mo nagawa ‘to?” muli ay sigaw ni Conan Quijano. Nagsilabasan ang litid sa leeg ni Conan Quijano, namula maging ang buong mukha nito at mga mata kasabay ng malakas na pagtama ng kamao nito sa ibabaw ng mesa. Napasigaw si Trinity ng malakas. Napaluhod siya. Pinaglapat niya ang mga palad at pinagkiskis

