Makalipas ang siyam na buwan ay nagsilang ng isang malusog na batang lalaki si Trinity. Walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha habang kandong sa mga bisig ang kanyang anak. Pinaraanan niya ng kanyang daliri ang maitim nitong mga kilay, ang matangos nitong ilong maging ang manipis nitong mga labi. ‘You are a spitting image of your father, anak.’ “Stop crying, Trinity. Baka ka mabinat,” ani ng kanyang mama. “Akin na ang gwapo kong apo. Magpahinga ka na muna.” “Thank you, Mama!” Her Mama kissed her on her forehead. “Stop crying, darling. Makakasama sayo. Tinawagan ko ang Papa mo and it's almost twenty-four hours since I called your father, kaya siguradong paparating na iyon. Hindi na kasi makontak.” Kinuha ng kanyang mama ang anak mula sa kanya at kinarga sa bisig ang apo nito

