Pwede na silang lumipat sa bagong bahay. Napangiti si Trinity habang iginagala ang paningin sa loob ng silid na magiging kwarto ng anak na si Edmund. Nakaharap ang kwarto no Edmund sa likod harden. Kung saan makikita ang malawak na swimming pool. Kulay bughaw ang loob ng silid ni Edmund. Ang ceiling ay pinapintahan ni Edward ng 3D image ng kulay bughaw na kalangitan.Maging ang malaking kurtina na nakatabing sa salaming dingding na pagitan ng balkonahe ay kulay bughaw. Tuwang-tuwa si Edmund ng makita kanina ang kabuuan ng silid. Panay ang lundag dahil sa matinding tuwa. Ang kaliwang bahagi na silid ay nakalaan para sa anak na si Trixie. Aayusin niya na lang iyon kapag kukunin na niya ang anak sa US. Bigla ang paglukob muli ng matinding pangungulila sa puso ni Trinity para sa anak. Hin

