Katulad Ng mga nakaraang gabi. Edward hugged Trinity from behind while lying down on the huge bed. Ngunit ang pagyakap ni Edward kay Trinity sa gabing ito ay kakaiba. Mahigpit. Sobrang higpit na tila ayaw siya nitong pakawalan. Tahimik at ang loob ng silid na tanging ang kanilang marahan at malalim na mga paghinga lamang ang naririnig ng bawat isa. “Mag-ingat ka doon?” Pumunit sa katahimikan ng gabi ang tinig ni Edward. Mahina ang tinig nito at ang mukha ay nakabaon sa kanyang batok. Pumapaypay maging ang mainit na hininga nito sa kanyang balat. Kapwa na nakabaluktot sa gitna ng malapad na kama habang yakap siya nito ng mahigpit mula sa kanyang likuran. Pikit ang kanyang mga mata at kapagkuwan ay tumango siya bilang tugon sa sinabi ni Edward. “Call Edmund often. Baka kasi hanapin ka n

