Ang libro na hawak ni Trinity ay wala sa sariling inihampas niya iyon sa katawan ng lalaki ng paulit-ulit. “Stay away from me, you jerk. Huwag mo akong hawakan ang dumi-dumi mo.” Nagwawala siya. Pilit kasi na hinahawakan siya ng lalaki sa kanyang mga braso. Ayaw niyang magpahawak rito lalo pa at kitang-kita niya na hawak nito ang arì nito habang umiihi. “Will you please calm down? Hindi ko sinasadya ang nangyari!” sigaw ng lalaki sa kanya sabay sinalag ng mga braso nito ang bawat hampas niya. Tumigil siya sa paghampas rito at matalim itong tinitigan. “Sinisigawan mo ako? Sinisigawan mo ba ako, ha?!” Napahilamos ang lalaki sa mukha nito. “I am not screaming at you. I am just trying to calm you down!” “Inihian mo ako, and now you expect me to calm down? Ikaw kaya ihian ko, tingnan n

