Ang hapag kainan ay napuno ng kwentuhan at paminsan-minsan ay tawanan. Ngunit si Trinity ay hindi magawang ituon ang pansin sa masasarap na pagkain na nakahain sa kanyang harapan. Kaharap niya kasi sa hapag ang anak ni Tita Edna na si Edward. Kung siya ay hindi magawang ituon ang pansin sa pagkain kabaliktaran naman ito ni Edward. Wala itong pakialam sa mga taong nakapaligid dito. Panay lang ang subo nito ng pagkain. Ibang-iba na ito sa lalaking panay lang ang tawa kanina. “Trinity, iha. Kamusta ang paglilibot mo kanina dito sa paligid ng mansion? Nagustuhan mo ba ang place namin?” si Tita Edna. Natigil siya sa pagsubo at naangat ang mukha at ang paningin ay kay Edward nakasentro. Bumubukol ang bibig nito sa pagkain at ganadong-ganado sa pagsubo. She should feel turned off toward him,

