Nasa loob siya ng kanyang clinic. Kakatapos lang ng kanyang mga appointments and it's already quarter to five in the afternoon. Nakauwi na kaya si Edmund sa penthouse? O baka sa bahay ito ng lolo at lola nito mananatili ngayong gabi. She felt butterflies in her belly. Pagabi na naman kasi. Magkikita at makakasama na naman niya si Edward. Ewan ba niya. Parang hinahalukay ang sikmura niya sa tuwing papadilim na ang paligid. “Doc. Five na po. Hindi pa po ba kayo uuwi?” Untag sa kanya ng kanyang medical Secretary na si Beth. “Beth, mauna ka na. Ako na ang bahala dito.” Exact five kasi ng hapon ang close hours ng kanyang clinic. Five na ng hapon kaya dapat ng umuwi ni Beth. Samantalang siya ay parang napako ‘ata ang kanyang pwet sa upuan. “Sige, doc, mauna na po ako. Birthday kasi ng fia

