Malalim na ang gabi. Ang ingay ng banda sa labas ng mansion ay hindi na niya naririnig. Tanging mga tawanan na lang ang namayani sa buong paligid. Si Edmund ay tulog na. Katabi nitong matulog ang mga magulang ni Edward. Mabuti at nakuha agad ng mga ito ang loob ng anak. Isang trouser, black loose t-shirt at boxer brief ang kanyang ipinatong sa ibabaw ng vanity desk. Inihanda niya iyon para kay Edward. Boxer na hindi pa nagagamit ng papa niya ang pinagamit niya rito. Ang damit naman ay sariling damit niya. She wears a pair of maroon silk pajamas. Nagpahid ng lotion sa katawan at naglagay ng night cream sa mukha saka lumabas ng walk-in closet at tumungo sa silid. Saglit na tumayo siya sa gilid ng malaking kama at tumitig sa ibabaw nito. She and Edward will sleep together tonight. Hindi n

