Tunog ng mga sasakyan na panghimpapawid ang nagpatingala kay Edward at Trinity. “They're here!” Nakangiting sambit ni Edward. “Come on, Trinidad, salubungin natin.” Hinawakan niya si Trinity sa kanang kamay saka tumungo sa anak. “Come on, buddy!” Nakangiting inabot sa kanya ng anak ang kanang kamay nito. Sunod-sunod na naglanding sa malawak na kalupaan ng mga Quijano ang tatlong private chopper ng DLGC. Sakay ng private chopper ang pamilya ni Drake at Althea, Alfred at Felicity, Dexter at Savannah at maging ang kaibigan na si Brixton. Marahas na hinila ni Trinity ang kamay nito na hawak niya at nagpatiunang naglakad upang salubungin ang mag-asawang Althea at Drake. Napailing na lang na sinundan niya ito ng tingin. Trinity is wearing black fitted jeans and a plain white T-shirt. Simple l

