Panandalian na naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang mapag-isa si Trinity at Edward. Kapwa na nakaupo sa gilid ng malapad na kama. Naghihintay sa kung sino ang unang magbukas ng paksa. “Let's get married!” Basag ni Edward sa katahimikan. Napalingon siya rito, ganun din ito sa kanya. “Bakit lagi na lang ikaw ang nasusunod, ha, Edward? Bakit mo ito ginagawa sa kin? Masaya ka ba sa tuwing nahihirapan ako ha? Sa tuwing nasasaktan mo ako.” “T-Trinity—” “Umalis ka, iniwan mo ako. K-Kahit sobrang sakit, Edward, tinanggap ko at t-tiniis ko!” Nanginig ang kanyang tinig; uminit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata at nagbabadya na naman na pumatak ang mga luha. “Wala akong nagawa kundi ang hayaan kang umalis dahil aminado ako sa sarili ko na wala akong karapatan na pigilan

