ARIES LAVIGNE Tahimik akong nakatingin sa kalangitan. It's already 7 in the evening and I can't even forget the scene I witnessed a while ago. Mas humigpit ang pagkakakapit ko sa railings as I took a deep breath. What was that Eros? Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang naririnig ang halakhak ng isang babae. Bumaba ang tingin ko, mula dito sa veranda ko ay kitang kita ko ang isang babaeng nakasuot ng napakaiksing red dress na halos kitang kita na ang kaluluwa nito. Habang nakapulupot sa braso ng nakababata kong kapatid, ito naman ay walang emosyong nakapulupot ang braso sa bewang ng babae. What's your fvcking plan? I can't imagine that you can be this jerk. Mas nakaramdam ako ng matinding galit at pagnanasa na burahin ang halakhak at malanding ngiti ng babaeng 'yan!

