Living with the vampires
Isa lang akong normal na college student na palihim na humahanga sa isang sikat na writer na si Eros Lavigne.
Sinong babae ang hindi mahuhumaling sa lalaking katulad n'ya? napaka-out of this world ng personality na meron s'ya. Gwapo, matalino, mayaman, sikat at talented, saan ka pa?
Wala akong pinapalampas na libro n'ya. Lahat ay binibili ko at ang iba naman ay inaabangan ko ang release. Palagi rin akong present sa mga book signing na dinadaluhan n'ya kahit ang totoo ay nasa iisang paaralan lang naman kami at kaklase ko pa siya. Masyado kasi siyang suplado sa mga tao and he's so distant. Our situation is the perfect definition of "So close yet so far." He's so far that I can't reach him, nasa tuktok siya habang ako nasa pinaka ibaba. Isa lang naman akong dakilang fan na humahanga sa kaniya, nahuhumaling sa pagiging magaling niya sa pagsusulat, at isang babaeng gusto siyang maabot pero ayaw siguro ng tadhana.
Ngunit ng dahil sa katangahan ko, nangyari ang bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari. Hindi ko alam kung sadyang malas lang ang araw na 'yon, o mukhang mababaw lang talaga ang daddy ko para hayaan akong mapasok sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano ako makakalabas. Sa sitwasyon kung saan nagbago ang lahat.
Nagising nalang ako sa isang umaga na personal maid na pala ako ng taong kinahuhumalingan ko, ang taong hinahangaan ko, at nakatira na ako sa isang mansiong tinitirahan ng tatlong taong, wala akong ideya sa tunay na pagkatao. Hindi ko rin lubos maisip na boss ko na ang taong di ko akalaing mamahalin ko.
Akala ko magiging normal pa rin ang buhay ko kasama sila at magiging normal lang akong personal maid niya. Ngunit hindi ko alam na sa pagpasok ko ng mundo nila ay ang siyang daan para makilala ko ang tunay na pagkatao ng lalaking kinahuhumalingan ko at ng mga lalaking nakasama ko. Ang tunay na mga Lavigne.
Dapat pa ba akong matuwa dahil makakasama ko siya?
O dapat ba akong matakot dahil hindi ko pa pala talaga sila lubos na kilala. . .