"A secret love is beautiful, sweet, and sacred when it's just a light infatuation but when that person reaches over and touches you in the heart, making it alive in a way it has never known, that secret love becomes frightening, because you can never make them love you, you would never want to make them Love you but all the same, no matter which way you view it, they don't love you and your heart doesn't know how to beat the same." — Lucas Mionner
Pinahid ko ang luhang pumapatak dahil sa sinabi ni Lucas! Sheeeeeeet! Nakakadala naman 'to! Nakakainis ka Eros! Palagi mo nalang akong pinapaiyak sa mga sinusulat mo.
Kasalukuyan kong binabasa ang bagong release na libro ni Eros at ang title niya ay Secret Game. Halos lahat ata ng mga na-published na story niya ay meron ako at lahat rin kasi ng story niya ay nakakarelate ako. Hindi ko alam, wala naman akong boyfriend o ex pero tumatagos talaga sakin lahat eh. Alam mo 'yon? feel na feel ko ang mga stories na ginagawa niya?
Kung nagtataka kayo kung sino si Eros? Well siya lang naman ang number one na author sa puso ko, oo girl! puso as in heart.
Fan na fan niya ako! At updated ako lagi sa ginagawa niya! Halos lahat na ata ng ginagawa niya ay alam ko. Anong magagawa ko? Masama na bang humanga sa isang tao? Mas maganda pa ngang siya ang kina-aadikan ko kaysa naman sa drugs ako ma-adik diba?
Gising na gising yata siya noong magpaulan si God ng blessings at tulog ang lahat kaya naman sa ka-swertehan ay nasalo niya ang lahat. Kung anu-ano pa ang na-iisip ko at abala pa ako sa sarili kong imahinasyon ng makarinig ng sunod sunod at malalakas na katok.
"Ash! Ashlei! ano ba ?! open the door!"
Kumunot naman agad ang noo ko at pinagbuksan ng pinto ang sigaw nang sigaw mula sa likod nito at heto bumungad ang mukha ni Kira sa akin na halatang nagmamadali.
Kira is my sister—older sister. Well hindi naman siya gaanong matanda pa dahil isang taon lang naman ang tanda niya sa akin.
At the same time, bestfriend ko siya at kasama sa lahat ng kalokohan. Partner in crimes, ika nga nila?
Third year college na siya habang ako naman ay second year college pa lang.
"Ano ba?! Istorbo ka naman eh malapit na ako sa epilogue!"
"Gosh! sis! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" maarte at napaka-hyper niyang sabi. Kahit kailan talaga kung magbabalita siya laging may gosh as if excited lagi.
"At ano naman 'yon?"
"Si Eros at Aries!" patili niyang banggit sa dalawang pangalan.
Naalarma naman ako nang banggitin niya ang pangalan ni Eros. Oh my god! Si Eros! ang aking love of my life—charot.
"W-what?! Anong nangyari sa asawa ko?!"
Asawa ang tawag ko kay Eros kapag si ate ang kaharap ko at asawa rin naman ang tawag niya sa mahal n'yang si Aries na kaklase rin naman n'ya. Sadyang kahit pa'no yata'y pinagpala kaming magkapatid. Oo, noong panahong magpaulan din ng blessing si papa G, masaya kaming lumalangoy ng kapatid ko kasama sila Eros at Aries.
Si Aries ay ang panganay na kapatid ni Eros at sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Eros ang pinakabunso. Pangalawa ang kakambal ni Eros na si Ermes, ang pagkakaalam ko rin ay nauna lang ata sa kaniya ng ilang minuto si Ermes. Alam ko 'yan dahil syempre ako pa ba? Pero hindi sila identical twins. Gosh! At masasabi kong gwapo talaga sila lahat! Pero iba-iba sila ng appeal. At si Eros ang nakabighani saakin. Tama, correct, check! si Eros ang nakabighani saakin.
"Pupunta sila rito sa'tin!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa lumabas sa bunganga ni Ate.
"A-ano?! P-panong b-bakit?!" Bigla akong nataranta, basta pagdating sa magkapatid na Lavigne nagiging exaggerated kaming dalawa.
"Iyun nga ang di ko alam dahil narinig ko lang naman kasi 'yun kina mom and dad. Inutusan nila ang mga maids na maghanda ng dinner dahil pupunta raw ang magkakapatid na Lavigne!"
Halata sa mukha ni ate ang excitement lalong mas halata sa boses niya dahil kanina pa siya tili nang tili. Ako rin naman ay excited sa nalaman pero mas nangingibabaw pa rin ang pagtataka kung bakit? Bakit kaya?
Napupuno ng mga katanungan ang isip ko.
Bakit pupunta ang mga Lavigne rito?
Ano ang kailangan nila?
Ano ang dahilan?
At kung bakit kilala sila ng parents ko.
"Pero sis napaisip ako, bakit nga kaya?"
Ngayon ay bakas na ang pagtataka sa mukha niya. Magtaka ka lang Ate kasi ako parang mamamatay na sa kakaisip kung anong gagawin nila rito.
"Ewan ko maging ako ay 'yan din ang tanong."
"Hindi bale na at malalaman na lang natin 'yan mamaya. Oh siya! magbihis ka na at magpaganda ka ah! Dahil darating ang asawa mo" she teased me and kissed my cheek at tumakbo na papunta sa room nya.
Magpaganda? Dati na akong maganda ah?
Nakaramdam naman ako bigla ng kaba. Sheeeet! Hindi parin ako sanay sa ganito. Kaklase ko nga siya pero sa tuwing magsasalubong ang landas namin ay hindi ko maiwasang hindi mag-hysterical. Hysterical sa isipan ha? baka isipin niyo nagwo-walling na rin ako.
Agad akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo at nagpunas saka ibinalot ang bath robe sa katawan at ang tuwalya naman para sa aking buhok. Saka naglakad papasok sa walk in closet para pumili ng masusuot.
Ano kayang susuotin ko? Pink dress with stiletto or yellow plain dress? Aish! Hindi naman ako yung tipo ng babaeng fashionista. Simpleng maong short at gray na loose shirt lang dapat ang susuotin ko. Iyon nga ang napagpasyahan ko, ang maong at loose shirt lang. Nilugay ko naman ang mahaba at medyo umaalon kong buhok. Naglagay na rin ako ng light lipstick na color pink para presentable ako sa harap ng asawa ko.
Maya-maya lang ay kumatok na ang isang maid namin at sinabing pinapababa na raw ako nila daddy dahil dumating na ang mga bisita.
Inhale...exhale...kalma Ash, si Eros lang iyan.
Sa sobrang kaba ko ay tumakbo na ako palabas ng kwarto at nagmadaling bumaba dahil na rin sa excitement na makita si Eros.
Ngunit sa pagmamadali kong bumaba ay natapilok ako at naitulak ko ang lalaking nakatalikod habang may kausap sa phone. Hala?!
Tumalsik siya at ganoon nalang ang gulat at takot ko nang tumama ang ulo niya sa side ng table. Sa lakas ng lagapak noon ay alam kong malakas ang pagkakatulak na nagawa ko sa kaniya.
Jusko naman bakit ngayon pa? mahabaging mga anghel tulungan niyo ako!
"s**t! What the fvck?!" may bahid ng inis ang boses niya at saka ako nilingon at tumayo habang ako ay nakadapa pa rin. Hawak ang ulo niyang nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata.
Hawak hawak niya pa rin ang ulo nya kung saang part yun nauntog. Kinabahan ako at natatakot kaya hindi ako nakatayo agad pero noong bumalik ako sa wisyo ay...
"I-im s-sorry, sorry Eros hindi ko sinasadya. " bumangon ako at nakayukong paulit-ulit na humihingi ng sorry sa kan'ya. Ayokong salubungin ang tingin niya dahil nahihiya ako at the same time natatakot.
"What's happening here?!" malakas na tanong ni Dad na mas nagpadagdag pa ng kaba saakin.
"D-dad..."
"Ash? "
"I-I didn't mean it," umiiling-iling na sabi ko na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa.
"Mean what?"
"Natapilok po ako pababa n-ng hagdan at h-hindi ko po sinasadyang maitulak siya at tumama ang ulo niya sa table." nauutal kong sagot.
"What!?" Oh my god! Galit na si dad.
"Be responsible with your actions, Ashleira! wala ka na talagang ginawang matino palagi na lang bang sakit sa ulo ang dala mo sa akin?!"
"I-I'm s-sorry." naiiyak na ako, dahil na rin sa pagkapahiya at sakit ng mga salitang binitiwan ni daddy.
Nakakahiya! Bakit kasi ang tanga tanga mo Ash! Nandito pa naman ang magkakapatid na Lavigne at nandito ang crush mo! Tapos kung sino pa yung crush mo siya pa yung naitulak mo?! Ano bang utak ang meron ka!? Peste naman oh! Pero hindi ko naman talaga kasi sinasadya huhu...
"I'm s-sorry Eros, S-sorry D-dad , s-sorry!" pumipiyok ko pang sabi dahil sa pagpipigil ng iyak hindi ko na rin mapigilang tumakbo pabalik sa room ko at mapagpasyahang magkulong.
Napatakip ako sa mukha ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Ewan masyado lang talagang mababaw ang luha ko. For Pete's sake! Ang tanda ko na para maging cry baby! Umiyak ako nang umiyak nang marinig ko ang boses ni Ate mula sa pintuan.
"Ash?"
"A-ate,"
"Sssshhh...sis don't cry ate is here." niyakap nya ako at pilit pinapatahan.
"Di ko sinasadya 'yun ate promise." Humahagulhol na sabi ko sa kaniya.
"I know...I know, sino ba naman ang taong kayang saktan ang lalaking hinahangaan niya diba?" pag-aalo nya.
"What will I do? dad's mad at me!"
"Ssshh pinaguusapan nila sa baba ang nangyari at mukhang hindi naman ganoon ka-big deal sa mga Lavigne ang nangyari eh, okay lang naman si Eros."
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Stop crying na ah! Jusko, Ash dalaga ka na umiiyak ka pa rin ng ganito sa'kin?" Hinampas ko naman siya dahil sa pangaasar niya.
"Haha! sira! ano ba nagda-drama 'yung tao eh epal ka talaga!"
"Oh kita mo tss! Grabi ah ang bipolar mo!"
"Tss...alis na nga rito! Magbabasa na lang ako rito!"
"Oo na grabi 'to, good night na ah! Alam ko naman na okay ka na. " she's right, kahit mababaw ang emosyon ko madali lang maging okay sa'kin ang lahat.
Hindi ko nga kayang magalit eh, hindi ko kayang tumagal sa pag-iiyak at hindi ko rin alam kung bakit.
After an hour ay may kumatok sa pintuan ko at binuksan ko 'yun. Bumungad saakin ang walang emosyong mukha ni mommy. Ganyan talaga siya palagi.
"Kakausapin ka ng dad mo, puntahan mo s'ya sa library." tumango lang ako at pumunta na sa library tulad ng sabi niya.
Naabutan ko si Dad na nakaupo sa swivel chair habang may kung anong ginagawa sa loptop nya.
"D-dad..."
"Maupo ka,"
Kinakabahan akong umupo sa harap niya. Nakakatakot ang awra niya at ang mga titig niya saakin. Parang kakainin niya ako ng buhay!
"Nakausap ko na ang mga Lavigne especially Eros tungkol sa nangyari kanina." napalunok naman ako.
"A-and?"
"Napagkasunduan namin na bilang kabayaran sa ginawa mo magtratrabaho ka sa kan'ya." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ay nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
Wait----What?!!! Ako magtratrabaho kay Eros?!!?
"P-po?"
"You will be his personal maid"
"What?! Bakit naman po sa dami ng trabaho, personal maid pa niya!?"
"It's your punishment ako rin ang nag-suggest noon sa kan'ya at napapayag ko siya."
"Pero daddy naman? Ang hirap naman ata niyan at saka hindi ko naman po sinasadya 'yun eh." bakit parang ang babaw naman? bakit parang bawal na magkamali sa tuwing nandiyan si dad?
"Sinadya mo man o hindi. Hindi biro ang nagawa mo dahil pwedeng mabagok si Eros at ikamatay niya iyon kung nagkaroon siya ng internal bleeding sa ulo niya. Paano nga kung iyong ang nangyari ha? at kaya nga punishment kasi hindi madali, magtratrabaho ka sa kan'ya for two months and after that malaya ka na ulit. Bukas na bukas ay ipapahatid na kita sa bahay ng mga Lavigne kaya ngayon palang ay asikasuhin mo na ang dadalhin mo dahil doon ka muna mag-i-stay."
"Dad? Pwede ko namang gawin ang punishment ko kahit dito ako naka-stay ah? Dad, I'm a girl and they are boys!" reklamo ko pa.
"I trust them and just follow me, Ashleira!"
Wala na akong magawa kung hindi ang tumango sa kaniya.
"O-okay dad." wala naman na akong magagawa eh. Hindi na ako makakatanggi at kilala ko si dad kapag sinabi n'ya sinabi n'ya at hindi niya na iyon binabawi. Ang lahat ng binibitawan niyang utos ay siyang dapat masunod.
Para akong lantang gulay na bumalik sa kwarto ko at nahiga. Sandapi pa akong natulala habang nakatingin sa kisama. Napangiti naman ako ng hindi alam ang dahilan.
Wala eh kahit anong hirap pa 'yan ay makakaya ko basta makasama ko lang sa iisang bahay ang nag-iisang Eros Lavigne. Labag man sa loob dahil magkakasama kami sa paraang magiging personal maid niya ako pero bigla akong na-excite. Gosh! Makakasama ko na ang ultimate crush koooo!
Ano kayang mangyayari bukas?
Sa kabila ng excitement at kasiyahan mas nangingibabaw sa 'kin ang isang pakiramdam na di ko malaman ang dahilan.
Bakit parang kinakabahan ako?
Bakit parang may mali?
Bakit parang...parang may mangyayaring masama?
Sheeeeet! Kinilabutan ako!
—