“Ash!" ramdam ko ang pagyugyog ng balikat ni ate habang umiiyak at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko.
"Ate?! Itigil mo nga 'yan dahil mukha kang tanga."
Inalis ko ang braso niyang kanina pa lumilingkis sa braso ko. Ate! ang init okay? Sobrang init na nga lumilingkis ka pa. Gusto ko sanang isigaw 'yan pero kilala ko itong ate ko. Soft siya pagdating saakin.
"Kasi naman, Sis! ang daya eh dapat kasama ako! sasama ako!" pagmamaktol niya.
"Ate?! Hindi naman ako magbabakasyon doon, magtratrabaho ako kaya magtigil ka nga! Hindi ako magpapasarap sa buhay roon! magpapakahirap, okay?"
"Hindi ka mga magpapakasarap pero mga kasama mo naman masasarap!"
"Ate ang bunganga mo!" suway ko kahit may parte saaking agree sa sinabi niya
"Okay lang 'yun kahit na mag-paalipin pa ako kay Aries basta isama mo lang ako please? Pleaaaase?" pagsusumamo niya pa.
Nagmamakaawa na talaga siya sa'kin habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ko at ayaw akong palabasin na parang batang iiwan ng nanay niya. Tss... pagdating kay Aries ang babaeng 'to talaga!
"Aish! jusko naman," munting reklamo ko.
"Ashlei, sige naman na kasi!"
"Fine! Ganito nalang. Ihahatid mo ko roon , tutulungan mo 'ko sa mga gamit ko pagpasok doon and then aalis ka na rin kasi ako lang naman ang pinagtratrabaho roon, pinapayagan din kitang pumunta-punta roon para bumisita every Saturday lang. Ano okay na?"
" Talaga?!"
Tumango-tango ako sa kan'ya at nakikita ko naman ang ningning sa kan'yang mga mata.
"Kyaaaaaaah you're the best! Wooooh I love you! I love you! I love you sis! Ang swerte ko dahil may kapatid akong Ashleira na suuuuuuper bait!" tumitili niyang sabi habang niyayakap ako at hinahalikan sa pisngi.
"Yuck! Ano ba naman ate 'yung laway mo naiiwan sa pisngi ko. Mandiri ka nga!"
reklamo ko habang pinupunasan ang magkabilang pisngi.
"Hehehehe sorry naman so ano tara? Hatid na kita nang masilayan ko na ulit ang asawa ko." excited na sabi niya at tinulungan ako sa pagbitbit ng mga dala ko.
Ilang oras ang naging biyahe namin para marating ang bahay ng mga Lavigne. Nakatulog pa si ate Kira sa balikat ko kaya naman may kaonting laway ang dumikit sa skin ko. Nang makarating sa bahay ng mga Lavigne ay agad akong napanganga. What the hell?
Sobrang laki nito my gosh! Parang bahay lang namin pero mas maganda ang bahay nila.
"Omg sis! nandito na tayo!"
"Eerrrr ate shut up! Baka marinig ka nakakahiya, mahalata pang may hidden desire ka kay Aries." pabulong na sabi ko kay ate at inismiran siya. Tch! kalandian talaga nito pagdating kay Aries eh. Well ganoon din naman ako kay Eros my loves ko pero hindi ako gan'yan ka-loud. Ang ingay ni ate daig pa ang sirang kotse.
Pinapasok kami ng ibang katulong nila, bitbit ni ate ang isa kong bag habang yung dalawa ay nasa akin. Ang bigat pala ng mga dala ko.
Ginabayan kami ng ibang maid papasok sa mansion ng mga Lavigne.
"Saglit lang po at tatawagin ko lang si Sir Ermes."
"Ermes? Siya lang ba ang nandito?" hindi nakatiis na tanong ni ate.
"Siya lang po kasi ang gising na. Si Sir Eros po ay tulog pa at si Sir Aries naman po ay may ginagawa sa study room niya." paliwanag naman ng isang maid.
Bumakas naman ang saya sa mukha ni Ate. Geez! kahit kailan talaga ay patay na patay 'to kay Aries. Bahala ka riyan, Ate! Si Eros talaga ang sleepy head sa kanilang tatlo kahit sa room wala siyang ginagawa kung hindi ang matulog, napaka-antukin! Minsan nga napapaisip ako pa'no kaya 'yan nakakapagsulat?
"Hey ladies! Good morning!" umaalingaw ngaw ang boses na iyon mula sa hagdan kaya naman napalingon kami sa boses na iyon.
Nakita namin si Ermes na wala man lang saplot sa pang-itaas ! Jusko Lord! Nagkakasala ako sa asawa ko! bwisit na Ermes to, makabalandra ng kan'yang yummy abs akala mo naman eh model siya sa Bench.
"Good morning Ermes!" masiglang bati ni ate kahit kailan talaga napaka-haliparot nito.
"Patay ka kay Aries." nanlaki ang mata niyang nilingon ako, binigyan ko lang s'ya ng mapang-asar na ngiti.
Nagulat ako ng may umakbay saakin. Jusko mahabaging mga anghel!
"Nice to see you again, Ash."oh my gosh! Did he just sniffed my neck? Kinilabutan ako sa ginawa nya.
"A-ah hehe nice to see you again too, Sir Ermes."
"Nah, just call me Ermes or Grey okay na, ang pinaka-boss mo naman talaga ay si Eros lang."
Medyo lumayo naman ako sa kanya.
"Patay ka kay Eros." narinig kong bulong ni ate sa'kin, ibinalik n'ya ang nakakaloko kong ngiti sa kan'ya kanina. Tumatawa-tawa pa siya ng mahina sa gilid ko.
"O-okay hehe," spell awkward.
"Why are you still standing there!?"
Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang boses n'ya. O my gosh! pati ba naman boses n'ya gwapo rin??
"A-ah kararating ko lang p-po sir."
Napapayukong sabi ko. Kasalukuyan s'yang naglalakad pababa sa hagdan. Nakasuot lamang s'ya ng puting sando at itim na short. Ang hot n'ya! Mas hot s'ya kaysa kay Ermes at mas yummy kahit walang abs! Omg! Grabi ka Eros, torture 'to! Ang bastos na ng isip ko, kasalanan mo ito Eros!
"Simulan mo na ang pagtatrabaho mo at hindi ka pumunta rito para makipagkwentuhan. Linisin mo ang study room ko na nasa left. At ikaw...you may now leave." mautoridad na utos nito sa'ming dalawa ni ate. Nakangiwing bumaling si ate Kira ng tingin sa akin at humalik sa pisngi ko bago nagpaalam.
"Don't worry gagawa ako ng paraan para mahingi ang number ni Aries for you, bye for now ingat ka sa pag-uwi"
"Thanks!" malungkot na sabi niya at lumabas na. Bumuntong hininga na lang ako at pinuntahan na ang sinasabi ni Eros.
Namangha ako sa lawak ng library n'ya—study room niya nga pala.
Gosh! Nakakabaliw 'to! Nagtatalon pa ako dahil sa tuwa. May mga libro rin s'ya ritong gawa niya mismo at may mga signatures pa.
Kumuha na ako ng walis at dust pan. Mabuti na lang at may alam ako sa mga ganitong gawain.
Walis
Walis
Walis
Lagay sa dust pan
Pulot
Tapon
Pulot
Tapon
Ilang oras ko rin nilinis iyon dahil sobrang kalat at puro mga ginumos na papel na sa palagay ko'y scratch.
Nilagay ko lahat 'yun sa garbage bag. At ang iba naman ay kinuha ko mula sa trash can.
Matapos ko 'tong ipunin sa garbage bag ay agad ko naman 'yong ibinaba. Dalawang garbage bag ang dala ko at pagkatapon ko nito sa basurahan sa labas ay bumalik na ako sa study room at pinagmasdan na ang mga nilinisan ko.
Napapunas ako sa noo gamit ang likod ng kamay ko.
Nakakapagod!
Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong gawain pero at least alam ko kung paano maglinis.
Naiisipan kong maupo muna sandali sa isang sulok at sumandal sa wall...huminga ng malalim nang tumama ang mga tingin ko sa isang libro.
Kinuha ko 'yon at napangiti.
My missing piece.
Isa sa pinakapaborito kong libro na s'ya mismo ang nagsulat. Binuksan ko iyon at nagsimulang magbasa hanggang sa marating ko ang epilogue.
Isinara ko yun at inalala ang nabasa ko.
"I don't think I will ever meet someone that is really like you. I could see all sorts of people, and no matter who they are or what they say, they can't capture my attention quite the way you can. I could talk to all sorts of other people yet I always find myself thinking about how they're not quite as charming as you, or they don't make me smile quite as genuinely. I know people always say your first love is the person you compare everyone to, maybe they've got it wrong. Maybe the person you compare everyone to isn't your first love but your true love. Your soulmate. But it so sad to think that she's wasn't me" -Autumn Mufrein
Mahina kong sinasaad 'yun habang nakatulala. Napangiti nanaman ako nang maisip kong ang galing niya talagang magsulat.
"Are you done?" agad akong napatayo sa gulat at kaba nang marinig ko ang mautoridad at baritonong boses nya. Jusko! aatakihin ako sa puso kung palagi na lang siyang manggugulat! Peste kang puso ka makisama ka naman please? Huwag basta-basta bibilis ang pagtibok ah. Kalma self dahil si Eros lang iyan.
"S-sir, am...n-nalinis k-ko na po ang buong study room." napalingon s'ya sa kamay kong hawak ang libro niyang siya ang nagsulat. Mabilis ko naman 'yung ibinalik kung sa'n ito nakalagay at napayuko sa kan'ya.
"P-pasensya n-na po k-kung nakibasa ako s-sory po s-sir Eros."
"I heard you and you memorized the last statement of Autumn?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ako ng seryoso niyang titig sa'kin. Nakapamulsa s'ya at walang emosyon ang mukha n'ya. Ang pagkakasabi n'ya noon ay hindi ko malaman kung galit s'ya o normal lang.
"Y-yes s-sir. I-Idol k-ko po k-asi si Autumn."
"Okay. Sa susunod 'wag ka basta-basta nangingialam ng mga gamit ko nang hindi ko alam, nagkakaintindihan ba tayo?"
"O-opo sir, sorry po." napapahiyang sagot ko.
"Tss. you may leave. Ipapatawag nalang kita kapag may kailangan na ako." walang ganang utos n'ya at naupo na sa swivel chair na mukhang para sa kan'ya lang.
"Y-yes sir," at saka ako nagbow tapos nagmamadaling lumabas.
Napahawak ako sa puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito, napasandal pa ako sa pader habang pinapaklma ko to. s**t! Aatakihin ako sa puso kapag siya ang kaharap. Jusko! Lord tulungan niyo po ako. Huhuhu bwisit na Eros 'yun! Mamamatay ako ng dahil sa kan'ya.
Kaya mo 'yan Ash! Ikaw ata si Ashleira Reygene Miradale! Kaya, kaya mo 'yan okay? at saka diba crush mo si Eros!? So don't give up okay? Masanay ka na sa kan'ya kasi boss mo s'ya rito ngayon. Fight!
"Are you okay ash?" napatalon ako sa gulat ng bilang may magsalita sa gilid ko.
Bumalandra sa'kin ang isang gwapong nilalang. Mukha s'yang anghel. Sorry ate, huwag ka magagalit huh? Don't worry 'di ko naman s'ya aagawin at hayaan mo lang na titigan ko s'ya sa ngayon.
Ang amo ng mukha n'ya. Pero hindi talaga eh, sa kanilang lahat si Eros ang pinakamalakas ang dating. Siya kasi 'yung tipong kapag tinignan mo ay malalaman mo agad na s'ya 'yung tipo ng lalaki na serious type.
May authority kung mag salita at kung kumilos parang s'ya ang hari! Pero jusko 'yun na ata ang nakakapagpalakas ng appeal n'ya eh! Ang ugali at pagiging seryoso n'ya ni hindi ko pa s'ya nakitang ngumiti! May pagkabad boy ang dating kaya naman, grabi ang epekto n'ya sakin.
Heto namang si Aries mukha s'yang may pagkatamik pero masasabi kong gentleman s'ya. Iyon ang appeal niya, ang mala-anghel n'yang mukha.
Si Ermes naman base sa nakita ko kanina. Siya 'yung parang playboy at may taglay s'yang kalandian sa katawan at 'yun ang nakikita kong appeal n'ya. Masayahin ang mukha n'ya at ang cute n'yang ngumiti dahil lumilitaw ang dimple n'ya.
"Ash?"
"A-ah..." napaatras ako nang magsalita ulit s'ya.
"Aries! I-I mean kuya Aries hehe...ano pala, oo naman okay lang ako."
"Mukhang napagod ka sa pinagawa ng kapatid ko ah...magpahinga ka na muna. papahatiran kita mamaya ng meryenda roon."
"Naku! huwag na po kuya okay lang ako, itutulog ko lang po ito saglit at saka baka kasi ipatawag ako ni sir eh."
"Hmm, ganoon ba? Sige if you need anything tawagin mo lang ako."
"S-sige po salamat."
"Oh and one more thing wag mo na akong i- po at tawaging kuya. Aries will do, mas gusto kong tinatawag mo ako sa pangalan ko dahil iba ang dating sa'kin, nakakagaan sa pakiramdam." natulala ako nang ngumiti s'ya sa'kin at umalis na.
Jusko iba rin pala ang isang 'yun!
Ate ayoko na pala rito! napapalibutan ako ng mga hunks! Baka magkasala ako lagot na!
Napahawak ako sa pisngi ko at napatakbo papasok sa maid's quarter kung saan 'yung magiging kwarto ko.
Shit! s**t! s**t!
Una si Ermes sunod si Aries?!
Pa'no pa kaya kung si Eros na ang lumandi sa'kin?!
Omg! Sana nga!
Aish ano ba Ashleira! Ang landi mo talaga...umayos ka nga. Nakakadiri ka! pinagnanasaan mo 'yung boss mo. Be good girl okay?! Nakakaturn off ka! Psh.
Mababaliw ako rito kapag nagtagal pa ako. Two months akong ganito? This is so f*****g ridiculous.
_