"Maid! open this f*****g door or I will wreck it off!"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Eros sa labas, halata ang iritasyon doon na nakapagpakaba sa akin.
Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan ko. Saktong pagbukas ko ay nakatingin siya sa wrist watch niya habang salubong na salubong ang may kakapalan na kilay.
"5 minutes, 5 f*****g minutes! What the hell are you doing and you can't notice me here knocking?!" mariing tanong niya saakin, gosh! Galit s'ya, hala Ash naman kasi napakatulugin mo! Bwisit!
"P-pasensya na p-po, napaidlip po kasi ako."
"You're working here as my personal maid! You must be aware and prepared anytime. Dahil may mga lakad ako at aware ka naman siguro na busy akong tao! I am not going to pay you just to do whatever you want without my permission! Hindi ka nagbabakasyon lang dito na magbubuhay prinsesa ka! you're not in your own palace to act like that! you're working for me so be responsible do you understand maid?!" Napakagat ako sa sariling labi para pigilan ang maiyak at napatungo.
"Y-yes s-sir I'm s-sorry, hind-di na p-po mauulit." Paghingi ko ng tawad sa takot na mas lalo siyang magalit sa akin.
"Tss. Anong magagawa ng sorry mo kung pinaghintay mo na ako?! I hate waiting!" singhal niya pa saakin.
Nakaramdam ako ng panginginit ng gilid ng mga mata. Napapaiyak ako, nasasaktan ako sa sinasabi niya. Mabilis akong huminga ng malalim na hindi niya mapapansin para pigilan ang luhang malapit nang mahulog.
"Eros, what are you doing!?" Thank god, looks like someone wants to save my stupid ass.
"Stay out of this Aries. I am reaching her a lesson!"
"Pero sobra na ang sinasabi mo sa kan'ya! She's just human Eros at kailangan niya magpahinga. Isa pa hindi s'ya sanay sa ganito! huwag mo s'yang pagsalitaan na para bang tunay mo s'yang katulong, her dad just made a deal with you to be your personal maid and not a slave. "
"Wala kang pakialam okay?! I am doing this because I want her to be responsible! to learn, so back off and shut the fvck up." Mariin na sagot ni eros, habang tiim bagang na nakikipagtagisan ng tinhin sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Hindi s'ya katulad mo Eros! Huwag mo s'yang sigaw-sigawan dahil tinatakot mo si Ash! Kahit kaonti naman maging mabait ka sa kan'ya." naramdaman ko ang tensyon sa kanilang dalawa, oh no please, wag naman sana silang matuluyang magaway at magkasakitan. Ash do something you stupid! Kasalanan mo to eh.
"Huwag mo 'kong utusan Aries, panganay ka lang sa'kin pero hindi ikaw ang dapat kong sundin. Alamin mo ang lugar mo." Mariin at pinal niyang sabi bago ako nilingon.
" Let's go! May ipapagawa pa 'ko sa'yo."
"I'm sorry, Ash" narinig ko pang bulong ni Aries. Tumango lang ako at nagbow sa kan'ya saka nagmadaling sumunod kay Eros, afraid I will make him mad again.
"Sakay." malamig na utos n'ya na mabilis kong sinunod.
"Hold this!" Ipinatong n'ya sa lap ko ang bag n'ya at mga libro. Peste ang bigat! Ngumiwi ako dahil ang sakit sa hita noon at isama mo pa ang paraan ng pagkakaabot niya sa akin. Sana naman huwag akong magkapasa dahil dito. Masyado kasing sensitive ang katawan ko. Mapahampas lang ako kahit mahina nagkakapasa agad.
Ano ba kasing laman ng bag nitong si Eros, may mga bato ata 'to eh. Inis kong hinawakan ang bag para sana kapain pero ilang minuto pa ay nabigo akong hulaan kung ano ang mga gamit na nakapa ko.
Nakarating kami sa isang mall at sobrang daming tao ang nandoon 'yung iba may dala pang banner na may mukha at pangalan ni Eros at yung iba mga gifts at mga baloons.
Sobrang sikat n'ya talaga, ang hirap hirap abutin.
Wait may book signing s'ya?! Bigla kong narealize sa kalagitnaan ng panonood sa mga taong naririto. Bakit ngayon ko lang naisip?!
Napasimangot ako nang maisip iyon. Hindi ko man lang nadala 'yung Secret Game, makapapirma man lang sana ako sa kan'ya, kahit 'yun manlang.
"Stay and wait me here, just hold my bag, ingatan mo 'yan." utos n'ya at lumabas na.
Dinala n'ya ako rito sa room na 'to, provided only for a guest like him kahit papano siguro masasabi ko parin na maswerte ako.
Naupo lang ako sa loob ng silid na iyon at napagpasyahang buksan ang phone ko para libangin ang sarili habang nasa tabi ko naman ang bag ni Eros.
Maya maya'y nakaramdam ako ng pagvibrate galing sa phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha at sinagot ang tumatawag.
"Hello? Ate?"
[Hey! Kamusta na sis?!] Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ni ate. Kung wala siya ay nasisiguro kong tuluyan na akong mawawalan ng lakas para ipagpatuloy ang kalokohan na ito. Akala ko'y magiging madali lamang ang lahat ngunit hindi ko alam na ganito pala talaga kahirap. Kira is my angel and she will always be my angel. Without her, I couldn't make it.
"Ate kakasimula ko lang."
[haha sorry naman! oh teka bakit parang malungkot ka?!]
"wala...n-namimiss lang k-kita"
[suuuuss! yiiiieeeee kasama n'ya asawa n'ya! oh nga pala yung asawa ko ayos lang ba r'yan hehehe!]
"He's fine humihinga pa naman"
[ Grabi ka! hehe o s'ya I'll hang up na, papasok ka ba bukas?]
"I'm not sure ate eh depende kung walang lakad si sir Eros"
[ Sus! Maka sir naman 'to! sige na nga. Bye sis! Ate loves you, ingat ka ah alagaan mo ang sarili mo]
"L-love you t-too ate."
Ako na rin ang bumaba ng tawag.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sana nga maging okay lang lahat ate.
Sana...
"Maid"
Eros?
"Maid! Wake up!"
"Maid! Fvcking wake up!"
Bigla akong napamulat at nakita ko agad ang mukha ni Eros kunot ang noo n'ya habang nakahalukipkip. Muli nanaman akong kinabahan sa klase ng tingin niya. s**t! Is this a part 2 of his madness?
"Sleeping again?" napayuko nalang ako dahil alam kong pagagalitan nanaman niya ako, part 2 nga! Lagot nanaman ako nito.
Ano ka ba naman kasi Ash? Hindi ka na nadala? Unang araw mo sa trabaho? Tapos puro ka palpak?! Puro ka na lang tulog. I hate myself, palagi nalang akong inaantok nakakatulugan ko tuloy ang mga importanteng bagay na dapat ay ginagawa ko.
"Let's go."
Napatingin naman ako sa kan'ya, ngunit likod nalang ang nakita ko. Hindi niya ako pinagalitan? Totoo ba 'yun? Wala manlang siyang sinabing masasakit na salita?
Napangiti naman ako. Yes!
Agad kong kinuha ang bag n'ya at sinakbat sa'kin saka nagmadaling lumabas at sumunod sa kan'ya. Para nga niya akong buntot kasi kung saan s'ya dumaan doon din ako dumaraan.
"I'll go ahead." Sabi niya sa ilang staff.
"Yeah sure thank you, Eros."
"Hmm." hinarap n'ya ako kaya napatitig naman ako sa mukha n'ya, gosh gwapo n'ya talaga napadako ang tingin ko sa mga labi nya at sunod sunod na lumunok ano kayang feeling na mahalikan nya?
What the heck Ashleira! Ano bang nasa isip mo?
"Maid! Are you with me?!"
"Ah -huh?"
"Tss. Here sayo na 'yan."
Pabalang n'yang inabot sa'kin ang isang boquet ng red roses na alam kong binigay sa kan'ya.
"S-sigurado ka s-sir? Eh para sayo po 'to eh." Alangan ko, ayoko namang tanggapin basta saka nakakahiya.
"Stop complaining maid, I know what I'm doing. Do you think I'm a gay to keep that shitty flowers?! Just be thankful, I give it to you, swerte mo ikaw ang kauna unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak." walang emosyong sabi niya at nauna nang maglakad. Natulala naman ako! Eh ano naman?! Matutuwa na sana ako eh! Kaya lang hindi naman siya ang bumili nito. Ang ganda ganda kaya ng red roses porket bulaklak nakakabakla na. Tss, may mga lalaki rin namang mahilig sa flowers eh. He's really damn a coldblooded creature. Walang puso para sa nature.
"Maid! what are you still doing there! come on! or else you'll go home alone!" Hindi ko malaman kung bakit ba parang lagi nalang siyang galit. Napakahirap niyang kausapin, feeling ko bubuka palang ang bibig ko ay sisinghalan na niya ako agad.
Tumayo naman na ako at sumunod sa kan'ya, takot na totohanin niyang iwanan ako. Wala akong pamasahe, simula naman kasi ng magtrabaho ako hindi na ako pinadalhan nila.dad ng allowance, grabe talagang parusa ito.
Sa pagmamadali ko.na halos takbuhin na ang distansya namin ni eros ay wala akong ibang ginawa kundi magdasal sa isip ko na sana di ako madapa. Ang bilis naman kasi niyang maglakad, hindi ko siya maabutabutan, can't he just wait for me?
Sino ba naman kasi ako para gawin niya 'yun?
Shete! Wag naman sana akong mada-------
AAAAAAAAHHHHH!!!
Sinusumpa ko lahat ng wet floor sa mundo! Hindi nga ako nadapa nadulas naman ako. Napapikit nalang ako at hinihintay ang pagbagsak ko pero mas nagulat at napamulat ako nang may sumalo sa'kin. Mahigpit n'yang pinulupot ang braso n'ya sa bewang ko at ang isa ay nakaalalay sa braso ko.
Napatulala ako sa mga mata n'ya. s**t! Nakakalunod. Mayroong kakaiba sa mata n'ya na para bang nakakahipnotismo.
Pero ang layo n'ya kanina p-panong...
Nandito agad s'ya sa harap ko?
Paano nangyari 'yun?
Bakit ang bilis? Bakit hindi ko napansin? Tanging isang malamig na hangin lang ang naramdaman ko at nalaman ko nalamang na salo na ako ng mga braso niya.
What the hell was that? What happened?
Is that real?
Weird, Am I hallucinating?
-