Chapter 4 : Sick

1260 Words
"Stupid maid." Mariin ngunit mahinang sabi niya. Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita s'ya. Napapasong lumayo ako mula sa pagkakayakap n'ya sa'kin at binalanse ang sarili ko. Hindi ako makatingin sa kan'ya dahil nahihiya ako. Hindi man lang ako nakapag pasalamat bago siya maglakad muli. Hindi naman na s'ya umimik at nauna na muling maglakad, ilang segundo pa akong natahimik at napatulala bago pinulot  ang mga nalaglag na gamit niya buti na lang mahigpit kong hawak ang bouquet kaya hanggang ngayon ay maayos pa rin ito, I can't believe it. Namamaligno ba ako? Bigla naman akong kinilabutan sa bagay na 'yon. Pagod lang siguro ito kaya nagkakaganito ang utak ko. I need something for refreshment so I could erase negatuve thoughts in mind. Mabilis akong sumunod kay Eros, iniisip na baka bumalik nanaman siya sa pagiging tigre niya pagdating sa akin. Tahimik ang naging biyahe namin, at ramdam ko ang kakaibang tension sa loob ng kotse. Ayoko magsalita dahil hangang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari kanina. Bahagya pa akong napapasulyap sa kaniya at tititigan saglit na tila pinagaaralan ang pagkatao niya kahit wala naman talaga akong nakukuhang sagot. Sa lalim nang pag-iisip ay hindi ko na namalayan ang paghinto ng sinasakyan namin sa harapan ng mansion. "Papasok tayo bukas." 'yun lang ang sinabi n'ya at nauna nang lumabas ng kotse. Sumunod naman ako kung saan s'ya pupunta dahil nasa akin pa ang mga gamit n'ya. Siguro'y natrauma na akong masigawan niya sa t'wing pakupad kupad ako o nagiging tanga. Papasok na sana s'ya sa kwarto n'ya nang mapalingon muli s'ya sa'kin at walang sabi sabing kinuha ang mga gamit n'ya mula sa akin. "You may go to your room now and take a rest ipapatawag na lang kita kapag kakain na ng gabihan." "O-okay po salamat." nagbow ako at nagmadaling tinahak ang daan papuntang kwarto ko. Sa kagustuhang makapagahinga ay hindi ako nagdalawang isip na sundin siya. Nagshower ako mabilis at nagbihis saka lumabas sa veranda para magpahangin. Ngayon ko lang napansin na kakahuyan pala ang likod ng bahay ng mga Lavigne. I wonder what's inside that forest, what's behind thay darkness? Matataas na puno at madilim na parte sa likod noon. Maganda nga siya ngunit nakakakilabot kung pagmamasdan. Naramdaman ko ang malamig na hanging dumapo sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam lalo na ang sinag ng buwan na tumatama sa mukha ko, nakakawala ng pagod. Bilog ang buwan ngayon na madalas kong abangan, napangiti ako nang masilayan muli ito. Sobrang liwanag ng sikat nito at sobrang linis ng kalawakan., nadedepina ang pagkakahugis nito na siyang mas nakakaakit. Bumuntong hininga muna ako at bumalik na sa loob ng kwarto ko para sana bumaba ngunit sakto naman na may kumatok sa pintuan. Mabilis ko iyong binuksan dahil iniisip kong baka si Eros nanaman, ngunit nadismaya ako ng isa lang pala ito sa katulong nila. "Pinapatawag na ho kayo ni Sir Aries para maghapunan." Aries? Akala ko ba...si Eros ang magpapatawag sa akin? Napasimangot ako sa naisip ko. Sino ba naman ako para pagaksayahan pa n'ya ng panahon. Pero hindi ko rin maiwasang hindi malungkot, kung sana ay si eros ang nagpatawag sakin baka tuluyan nang nawala ang pagod ko, ang saya saya ko na sana. Sumunod nalang ako sa baba papuntang kusina. Naabutan ko ang magkapatid na hindi pa kumakain. Sinalubong ako ng tingin ni Aries at tipid na ngumiti. Gwapo at mabait pero kay ate ka kaya behave ka lang Aries! munting bulong ko sa isip ko. Tumawa naman siya sa hindi ko malaman na dahilan. Narinig niya kaya? Sana hindi, malamang hindi dahil sa isip ko lamang iyon sinabi. "Oh you're here, come on let's eat." aya ni Ermes na may pilyong ngiti. I was a bit distracted by that kind of his smile. "Yeah Ash, dito ka na muna sa pwesto ni Eros." sabi naman ni Aries at tinuro ang bakanteng upuan. Bakit wala si Eros? Hindi ba s'ya sasabay? "It's okay... hinatiran ko na ng pagkain si Eros kaya hindi na s'ya bababa kaya tara kumain ka na." paniniguro ni Ermes, teka? Ganun ba ako kadaling basahin para malaman agad nila ang iniisip ko? Ibang klase, magkapatid nga sila. "Bakit? Ayaw ba n'ya akong makasabay?" Ngumiti naman sila sa'kin. Mabait naman pala talaga sila, si Eros lang ang kakaiba ang ugali. "Nope. Masama ang pakiramdam ni Eros kailangan n'yang magpahinga sa kwarto n'ya kaya ako na ang naghatid sa kan'ya ng pagkain kanina." an'ya ni Ermes. "Masama? Ba't hindi niya ako pinatawag? I'm his personal maid I should take the responsibility of taking care of him." Tama naman hindi ba? Responsibilidad kong gawin iyon, dahil nagtratrabaho ako para sa kaniya. "Parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng sariling maid, pwede kaya 'yung ate mo? Para naman hindi ako mainggit kay Eros sa pagka-caring mo." pabirong sabi ni Aries. "Ah hehe! Pwedeng-pwede 'yun. Libre pa hindi mo na kailangan swelduhan dahil mahilig 'yun magvolunteer eh hehe masyadong matulungin." pagbibiro ko rin na ikinatawa nila. Kung alam mo lang aries, more than willing ang isang 'yun, baka kahit pagtotoothbrush mo at pagbibihis gawin narin niya sayo. "Hey, huwag ka na mag-alala sa kambal ko. Malakas 'yun at sa totoo lang ayaw noon ng may nag-aalaga sa kan'ya kaya hinahayaan na lang namin s'ya mag-isa. Kapag ganiyang masama ang pakiramdam n'ya bawal s'yang maisturbo kaya kumain ka na lang and after that pwede ka nang magpahinga. " sabat ni Ermes na nakangiti pa sa'kin, habang tinataas taas ang kilay, napailing ako sa isip ko. Masyado talaga siyang pilyo. "Ah...eh..hehe, sige salamat." "No problem sa ganda mong 'yan ikaw pa malakas ka saakin." muntik na akong mabulunan sa panglalandi ni Ermes sa akin at medyo kinilabutan na rin noong kumindat pa talaga siya. Jusko mahabaging anghel magkakasala ako nito sa asawa ko. Kahit kailan talaga ay ang landi ng isang ito. Masyadong kabaliktaran ni Eros! Napabuntong hininga naman ako at naisip si Eros, kamusta na kaya 'yun? sana okay lang s'ya. Bakit naman sumama ang pakiramdam n'ya? Nakakaloka s'ya ah ako 'tong naagrabyado s'ya ang nagkasakit?! Ano to lokohan? Akala ko pa naman malakas siya kung makapagsungit sa akin. "Crush mo ba si Eros?" Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya, sunod-sunod akong naubo at hinampas pa ang dibdib ko. s**t! Anong klaseng nilalang ba ang lalaking 'to at bukod sa masyado siyang chismoso ay napakagaling pang manghula. "Oh! Sorry hehe, here inom ka." inabot ni Ermes saakin ang tubig. Bwisit naman kasi nasa kalagitnaan ka nang pagkain biglang isisingit 'yun! Tss. "Ermes ano bang tanong 'yan?" Pagsita ni aries sa kanya sa seryosong boses. "Sorry bro masyado s'yang lutang eh malay ko ba kung sinong iniisip niya, baka si Eros, masyado siyang concerned." Nagkibit balikat siya at muli akong hinarap. Naiilang akong napatawa at napayuko nalang. "So? Hindi nga crush mo?" Bakit ba parang big deal sa kaniya ang malamang crush ko si Eros? Namula ako sa sinabi n'ya na ikinangiti n'ya ng nakakaloko. Nakakainis to ah! Kung hindi lang ako nahihiya nasapok ko na 'to. "I knew it!" Tila nanalo sa lotong sabi n'ya. Tumingin naman si Aries sa'kin. Seryoso s'yang nakatitig at tila pinagaaralan ang emosyon ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tingin na iyon ni Aries na animo'y may ibig sabihin. "Eros is a difficult person, okay lang ba sayo 'yun?" Wala namang masama diba?  "Hindi ko s'ya magiging crush kung hindi ko tanggap ang ugali niya." tumango tango naman si Aries at si Ermes naman ay ngingiti-ngiti at paminsan-minsang lumilingon saakin habang kumakain. May mga pagkakataon ring nakakatinginan silang magkaatid na tila naguusap sa pamamagitan ng ganung klaseng tingin. Weird. Magkapatid nga sila, may mga bagay silang ginagawa na hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin o ipinahihiwatig. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD