Pagkatapos kumain ay pinauna na ako ng dalawa. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod. Malamya akong naglakad pabalik sa kwarto.
Nadaanan ko pa ang kwarto ni Eros, napatitig ako roon sa hindi ko malamang dahilan. Napabuntong hininga naman ako at sa huli ay mas pinili kong pumasok na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong pumunta sa cr. Nagtootbrush lang ako at nababagot na nahiga sa kama.
Namimiss ko nang magbasa.
Sa kakaisip ko kay Eros ay unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata ko.
Goodnight asawa ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ay nakarinig na ako ng malakas na kalabog na siyang kinabalikwas ko.
Ano 'yun?
Baka may nahulog lang pero bakit kakaiba ang tunog? Tsk, hayaan mo na nga iyan Ash. Babalik na sana ako sa pagkakahiga ngunit sunod-sunod na kalabog na ang narinig ko.
Tunog ng nababasag na gamit o hindi kaya ay tunog ng parang may nagwawalang tao.
Maya-maya ay nawala nanaman ulit ito. Tiningnan ko ang oras 12 am palang, ano bang meron? Gusto ko mang alamin ngunit pinangungunahan ako ng kaisipan n bka guni-guni lamang iyon. Babalik na ulit sana ako nang marinig ko nanaman ang kalabog na sa ngayon ay mas lumakas na ito. Natatakot ako, anong mayroon at may mga kumakalabog?
Agad akong bumangon at marahang lumabas ng kwarto para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
Sa paglalakad ko at hindi ko na namalayang nakatayo na ako sa harap ng pintuan ni Eros.
Hangang ngayon ay naririnig ko pa rin ang ingay sa loob. Hindi niya ba alam na nakakaistorbo na siya?
Natatakot ako para kay Eros, ano bang nangyayari sa kan'ya sa loob?
Nanginginig ang kamay ko at nagsimulang manlambot ang tuhod ko sa kaba.
Eros
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang door knob at pipihitin ko na sana ng may malamig na kamay ang pumigil dito.
"Aries"
"Sa lahat ng bagay na pwede mong gawin ito ang hinding hindi pwede, Ash"
"Pero si Eros, anong nangyayari sa kan'ya? o-ok lang ba s-siya? nagising ako nang makarinig ng malakas na kalabog at nag-aalala ako para sa kan'ya"
"Okay lang si Eros, gan'yan s'ya kapag may sakit. Madalas siyang nagwawala kaya matulog ka na. Hindi mo gugustuhin na masaktan ka ni Eros hindi ba? Huwag ka mag-alala bukas maayos na si Eros."
"S-sige"
Tumalikod na ako at babalik na sana sa kwarto ng tawagin ako ni Aries.
"Ash"
"Huh?"
"Huwag mo nang uuliting magtangka na pumasok sa kwarto ni Eros ah." malambing na sabi n'ya. Mabait talaga si Aries kahit tahimik.
"B-bakit?"
"Ayaw n'yang may ibang taong pumapasok sa kwarto n'ya."
"S-sige pasensya na nag-alala lang talaga ako sa kan'ya."
"Salamat kung ganoon ang swerte niya sa'yo." seryosong sabi n'ya. Tumungo lang ako at bumalik sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko at sobrang bilis pa rin nang t***k ng puso ko.
Bakit ganoon?nasasaktan ako pag alam kong nasasaktan si Eros.
Crush ko lang naman s'ya hindi ba?
Baka naman sadyang ganito lang ako.
Bumuntong hininga ako at nahiga muli saka pinikit ang mga mata ko.
Naalimpungatan ako ng may makitang anino sa labas, sa veranda ko. Kakaiba ang naramdaman ko sa sandaling makita iyon. Kinilabutan ako sa anino.
Sino s'ya?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at bubuksan na sana ang veranda ng biglang nawala ang anino. Tuluyan kong binuksan ang veranda at sinilip kung nandito pa rin s'ya ngunit malakas na hangin lang ang naramdaman ko. Napayakap ako sa sarili ko at sinarang muli ito at bumalik sa pagkakahiga ngunit napaupo ako nang may makita akong naglalakad papalapit sa'kin.
Madilim sa kwarto ko at tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag dito.
Nakatulala lamang ako sa kan'ya. Sino s'ya?
Tinitigan ko s'ya at nang tumama ang kakaunting sinag ng buwan sa mukha nya.
"E-eros?"
Nananaginip ba ako? Paano s'ya nakapasok dito? At anong ginagawa n'ya rito?
Seryoso s'yang nakatingin sa'kin habang nakapamulsa.
Siguro panaginip lang ito dahil hindi s'ya nagalit na tinawag ko s'ya sa pangalan niya.
Mas lumapit s'ya sa akin.
"A-anong ginagawa mo rito? O-ok ka n-na ba?" bulong ko.
Ngunit ni isang salita ay walang lumalabas sa mapupulang labi n'ya.
Napaurong naman ako hanggang sa lumapat na ang likod ko sa headboard ng kama.
He bent down at mas lumapit ang mukha n'ya sa akin.
Shit! Kinilabutan ako sa mga tingin n'ya pero mas kinilabutan ako sa lapit ng mukha niya.
Ang gwapo niya talaga! Pigilan niyo ako! Ikukulong ko 'to rito sa kwarto ko at saka ko pipikutin hanggang sa pakasalan n'ya ako.
Ano ba Ash?! masyado kang malandi napaghahalataan kang patay na patay rito sa boss mo!
Naramdaman ko ang init ng hininga n'ya sa leeg ko.
Anong ginagawa niya?! He planted small kisses on my neck that made me shiver for unknown reason. Manyak ka asawa ko?!
Hindi pa rin nagsisink in sa'kin ang ginagawa n'ya nang bahagyang umangat ang ulo n'ya at naramdaman ko ang labi niya near at my jaw line hanggang sa magtama muli ang paningin namin. Nandito nanaman 'yung pakiramdam na para akong nalulunod sa tuwing titingin ako sa mga mata n'ya. Nakakapanghina, sobrang bilis na ng t***k ng puso ko.
Sa sobrang pagtitig ko sa kan'ya ay hindi ko namalayan ang tuluyang paglapit ng mukha n'ya and our lips met.
I can feel his sweet and soft lips noong una ay hindi ko nagawang magrespond dahil sa gulat. But when he bit my lower lip doon na ako nagsimulang matauhan at tinugon ang mga halik n'ya.
Is this real? Eros is kissing me? we're actually kissing?
Shit! Ganito na ba ako kapatay na patay kay Eros na pati sa panaginip ko ay lumalabas na s'ya at ganito pa ang ginagawa namin.
Nadadala ako sa sensyasyon na naidudulot ng ginagawa namin. Unti- unti kong inangat ang dalawang kamay ko at ang isa ay pinangyakap ko sa likod n'ya at ang isa ay pinagsabunot ko sa buhok n'ya.
He groaned when I do that kaya naibaba ko ang kamay ko payakap sa kan'ya.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang nangyaring 'yun hanggang sa unti-unti na akong makatulog.
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng malakas na kalampag sa pintuan.
"Miss Ash?! Miss Ash gumising na raw po kayo! Miss Ash?!"
Napabalikwas ako nang marinig ang sunod-sunod na katok ng isa nanamang katulong. Pupungas-pungas akong bumangon.
Nag-unat na muna ako at inayos ang hinigaan ko.
"I'm awake!" balik sigaw ko kaya natahimik na s'ya.
Pumasok na ako sa Cr. At pagtingin ko sa salamin ay naaalala ko ang panaginip ko.
Napahawak ako sa labi ko, panaginip ba iyon? Bakit pakiramdam ko totoong nangyari 'yun? Bakit pakiramdam ko totoong hinalikan n'ya ako?
Nakaramdam ako ng lungkot sa tuwing naiisip kong panaginip lang iyon.
Tss! Impossible naman kasing mangyari 'yun ay boss ko si Eros at isa pa wala sa itsura n'ya na gusto niya akong halikan.
Ginulo-gulo ko ang buhok ko at hinubad ang damit ko.
Ganito na ba ang epekto sakin ni Eros? Peste naman oh. Nababaliw na ako sa kan'ya.
-