DANICA POV ISANG linggo na ang lumipas wala naman nagbago kay Micah. Malambing at buhos ang atensyon nito para sa kanya. Iba sa inaasahan niya, iniisip niya kasi magiging malamig na ito sa kanya. Subalit kabaligtaran pa ang nangyari. Sa katunayan nga, tinupad na nito ang pangako na sun-date nila. Nagtungo sila sa La Union para mag-beach. Hindi niya inakala na dadalhin siya roon ni Micah. Sobrang na-miss niya makakita ng dagat. At unang beses siyang nakarating doon. Nang makababa sila sa kotse, pumasok sila sa isang private resort sa bayan ng Caba, La Union. Napaawang siya. Kitang-kita niya ang kulay asul na dagat at damang-dama ang malakas na simoy ng hangin. "Ang ganda rito..." bulalas niya. Kinintalan naman siya ng halik ni Micah sa labi na ikinagulat ng babaeng receptionist. Napabun

