DANICA POV HUMINGA siya muna nang malalim bago sumilip sa labas ng coffee shop kung saan sila magkikita ni Micah. Pagkatapos kasi nila magpunta ng La Union, nagpadala agad siya ng mensahe rito para magkita sila. Pumayag naman ito agad at ito mismo ang nagsabi na sa coffee shop malapit sa MLEU Building na lang sila magkita. Nasa loob na siya ng coffee shop. Tahimik lang siya umupo sa isang bakanteng silya. Mayamaya pa ay humahangos na dumating si Micah. Nakasuot pa ito ng business suit, halatang galing ito sa opisina nito. Mabilis ito lumapit sa kanya at naupo sa katapat na silya. "Hi, Nica. How are you? Have you ordered yet?" wika nito. Masyado yatang pormal magsalita ito ngayon. Ngumiti siya at umiling. "Ayos naman. Hindi pa, kakarating ko lang din," tugon niya. Tumango-tango naman

