Talia POV Imbes na ihatid ako sa amin, nanlumo ako nang makitang pumasok ang sasakyan sa basement parking ng Seven Pillars. Gabi na, at halos wala nang tao sa building maliban sa mga security guards. "Bakit tayo nandito? Gabi na, Kael! I want to go home," reklamo ko habang pinagmamasdan ang tahimik na parking lot. "Business before pleasure, Talia," sagot niya habang kinukuha ang kanyang briefcase. "Ang inspection report para sa provincial site ay kailangang matapos ngayong gabi. May meeting ako sa mga investors bukas ng alas-otso ng umaga. As the Lead Coordinator, it’s your responsibility to finalize the data." "Pwede ko naman 'yong gawin bukas ng maaga! O kaya sa bahay na lang!" Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay tila pagod pero nananatiling seryoso. "No. I want it don

