Talia POV Busy ako sa ginagawa ko nang mapansin kong paparating si Celine. Kahit hindi pa siya nagsasalita, ramdam ko na agad ang bigat ng presensya niya. Masama ang tingin niya sa akin, diretso, walang pagtatago. Kusang umiwas ang mga mata ko at nagkunwari akong abala sa mga papeles sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kumurot sa dibdib ko. Guilty ba? Siguro. Kahit wala naman akong sinasadyang agawin. Alam ko kasing may something sila ni Kael noon. Hindi man malinaw, ramdam ko iyon, sa mga tingin, sa mga bulungan, sa paraan ng pag-iwas niya kapag nandoon si Celine. Sa isip ko, sorry, Celine. Hindi ko hiniling ang ganitong sitwasyon. Hindi ko rin ginusto na mapunta sa posisyong ako ang asawa, ako ang nasa tabi niya ngayon. Huminto siya sa tapat ng mesa ko. “So ikaw

