He was there... Erico was there, parehas namin na pinapanood ang dalawang tao na magkasama kahapon. Hindi naman ako pwede na magkamali dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na nakita ko siya at lumapit rin ako, kaya mas lalo kong nakilala na siya nga talaga 'yon. Napapaisip na lang kung bakit ganon tumingin si Erico. Lahat ba ng katanungan sa isip ko ay totoo. Nabanggit niya sa amin ni Celine na sinundan niya ang babaeng mahal niya dito at si Else 'yon, dahil doon nakatuon ang tingin niya. Hindi niya ako napansin dahil lahat ng attention niya ay nakafocus lamang lahat ng 'yon kay Else. "Gail!" Napabalik ako sa sarili ko at nahulog ko pa ang pagkain na nakalagay sa kutsara ko. Napakurap pa ako ng dalawang besses bago ako tumingin kay Kuya Gio na tinawag ang pangalan ko, nakatingin silan

