A beautiful morning to all. Ang ganda nga ng panahon pero para sa 'kin ay hindi. Walang magandang sa umaga kung naalala mo pa rin ang sinabi niya sa'yo na halos hindi ka makatulog kagabi, kakaisip kung ano bang ginawa mong mali para sabihin niya sa'yo 'yon. "Let me tell you na wala lang sa 'kin ang mga 'yon. I don't give any meaning of that. I hope you too." Ilang beses nagpaulit-ulit ang mga lumabas sa labi niya hanggang ngayon ay hindi ko magawang makalimutan 'yon. Nasa sasakyan ako ngayon ni Kuya Gio at nakatingin sa bintana. I took a breath, hindi pa man ako nakakapasok ay parang wala na akong energy ngayon. Kumain naman ako bago pa man pumasok pero wala talaga akong gana. Nagalit siya dahil sa ginawa ko kay Else. Tinanong ko lang naman siya kung kilala niya si Erico and she just

