"Be ready class. By next week I'm going to group all of you for the research na gagawin niyong lahat," Mrs. Walo said to us before she left our classroom.
Ayan na siya! Kumakaway na sa amin si research at kailangan namin kumaway pabalik kay research dahil dito nakasalalay ang grade naming lahat at kung makakagraduate kaming lahat.
"Sana magkagroup tayong dalawa, pretty beshie." Pumulupot pa ang kamay ni Celine sa braso ko at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko na para bang pagod na pagod na. "Tapos ikaw na ang bahala at magpapabuhat na lamang ako sa'yo." sabi pa niya.
Napailing na lang ako at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Ganitong-ganito talaga ang mai-encounter po tuwing research, hindi mawawala ang mga pabuhat sa group katulad ni Celine.
"I will talk to Mrs. Walo na wag kang bigyan ng grade sa subject niya," pananakot ko kay Celine, kahit na alam ko na hindi siya ganon. Celine smile to like a dog.
"Ikaw naman parang hindi mo pa ako kilala. Syempre joke lang 'yon, pretty beshie." Tumawa pa siya.
"Hindi ba?" paniniguradong tanong ko kay Celine.
Nagkunyari pa ako na nag-iisip kung hindi nga ba siya naging pabuhat noon tuwing research. Niloloko ko lang naman si Celine, alam ko naman na hindi ganon si Celine kahit na ganito si Celine na para bang walang interest sa pag-aaral, pero kabaliktaran kasi tutok na tutok si Celine sa pag-aaral.
"Hoy! Grabe ka! Bakit ka ba nag-iisip? Hindi naman talaga ako naging pabuhat." Napanguso pa si Celine ngayon habang naglalakad kaming dalawa.
Natawa naman ako kay Celine. Binibiro ko lang naman siya dahil kahit anong pag-iisip ko na naging pabuhat siya tuwing may research, wala talaga akong maiisip kung kailan niya nagawa niya 'yon.
"I'm just joking you, pretty beshie. Kaya huwag ka ng ngumuso dyan at pwedeng-pwede ng sabitan ng kaldero yang nguso mo," I said to her. Inirapan naman niya ako at maya-maya lang hinawakan ako ni Celine. Akala ko ay pupunta na kami sa next subject namin pero hinila niya ako kung saan-saan. Alam niya na may next subject pa kaming dalawa pero heto at kung saan-saan kami pupunta ngayon. Wala naman siyang balak na mag-cut ng class, right?
"Where are we going? We have the next subject, Celine." I said to her, baka kasi nakakalimutan ni Celine.
Nag-iba kasi kami ng direction at papunta kaming dalawa ngayon sa college building. Bawal pa naman dito dahil may klase ngayon ang mga college student. Anong gagawin namin dito? I have no idea, kung bakit narito kaming dalawa sa college building.
"Hi, Gail."
They all greeted me and I just answer them with smile. May nakakasalubong kaming mga college student na papunta na sa classroom nila dahil mag-sisimula na ang klase nila.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko muli kay Celine.
"Pupuntahan lang natin yung nakausap ko sa online. Ang sabi niya kasi dito siya nag-aaral tapos sinabi niya sa akin kung anong room niya, kaya balak ko na puntahan siya dito."
Nakilala niya sa online? At gusto niyang puntahan para makita niya, kaya nandito kaming dalawa. May pumasa na naman siguro sa ideal man niya yung mga tipong gwapo, moreno at magagandang katawan. In short ang gusto ni Celine ay yung mga hollywood star, ganon ang tipo ni Celine. Kung hindi niya naman tipo ay hindi niya kakausapin. Pumasa muna sa ideal man niya bago ka niya kausapin.
I checked my watch and we have only 10 minutes before our subject will start. Huminto kaming dalawa ni Celine sa isang classroom na alam ko ay classroom ng mga gustong maging police. I guess magpo-police yung nakilala ni Celine sa online. Lahat ng nandito ay puro magaganda ang katawan at mamuscle talaga, check na agad para sa type ni, Celine.
"Mas maganda pa nga ang katawan ni Zander sa mga 'yan."
"Ano? Nakita mo na?" I asked Celine.
Kanina pa kasi nakahaba ang leeg ni Celine at mukhang hindi niya pa nahahanap yung lalaking nakilala niya sa online. May next subject pa kami kaya kailangan niya ng mahanap yung lalaking nakausap niya sa online.
"Hindi ko pa siya makita," Celine said to me.
"Baka naman niloloko ka niyang nakilala mo sa online."
Bakit naman kasi sa online pa naghahanap doon si Celine? Malaki ang chance na niloloko lamang siya no'ng lalaki dahil online lang naman 'yon, pwedeng-pwede nilang i-fake ang katauhan nila.
"Tara na nga. Ghosted talaga siya sa 'kin mamaya," Celine last said, bago kami naglakad na papaalis sana sa college building.
Tutal nandito na rin kami ni Celine sa college building, pwedeng-pwede kong makita si Zander. Malapit lang ang classroom nila pagkatapos nun, aalis na talaga kami ni Celine dito sa college building. Huminto ako sa harapan ng classroom kung saan nandoon si Zander, nakasulat pa ang course nila dito sa gilid ng pintuan. Naglakad ako papalapit sa pinto at pasimple akong sumilip para makita si Zander at hindi ako makita ni Kuya Gio na nandito ngayon. I smiled went I see Zander, kampante lang siya na nakaupo ngayon sa upuan niya ag suot-suot niya ang eyeglasses. Ang gwapo niya talaga tapos seryosong-seryoso pa ang mukha niya.
"Kaya naman pala huminto ka dito kasi nandito si crush Zander," rinig kong sabi ni Celine sa likuran ko.
Tumingin ako kay Celine at nag-sign ako na huwag siya maiingay at baka may makakita sa amin na narito kami ngayon. "Lower your voice, pretty beshie."
"Ikaw talaga pretty beshie. Kanina ayaw mo na pumunta tayo dito pero kung hindi kita niyaya, hindi mo sana masisilayan ang crush mo," sabi pa ni Celine sa akin.
"Sayang naman kasi ang pagpunta natin dito."
Narinig ko ang tsked ni Celine dahil sa sinabi ko sa kaniya. Sayang naman talaga ang pagpunta namin dito kasi nga hindi nakita ni Celine yung nakilala niya sa online, kaya susulitin ko na. Ako makikita ko si Zande, siya hindi naman niya nakita yung pinuntahan niya dito. Chance na rin ito para makita ko si Zander.
"Tama na 'yan at baka late na tayo sa next subject natin," sita sa akin ni Celine.
Tumingin ako ulit kay Zander bago ako pumayag na umalis na at kailangan na namin pumunta sa next subject. Nagmadali na kaming naglalakad ni Celine ngayon. Two minutes na lang at magsisimula na ang klase namin. Nakaabot naman kaming dalawa ni Celine at saka kami umupo sa upuan naming dalawa, sakto lang na dumating na si Mr. Francisco ang subject teacher namin sa entrepreneurship.
Entrepreneurship is the creation or extraction of value. With this definition, entrepreneurship is viewed as change, generally entailing risk beyond what is normally encountered in starting a business, which may include other values than simply economic ones. Nakikinig lang kaming lahat sa mga tinuturo ni Mr. Francisco sa amin. Sa tuwing nagpapatake notes si Sir, sinusulat namin yon. Ganadong-ganado ako ngayon dahil nakita ko nga si Zander bago pa man magsimula ang subject na ito. We already finished our all subject at ngayon ay papunta na kaming dalawa ni Celine sa cafeteria. May plano kaming dalawa ni Celine na mag-study sa bahay niya, kaya mamaya sa kaniya ako sasabay pauwi.
"May bagong pagkain dito. Try natin 'yon," Aya sa akin ni Celine.
"Anong pagkain?" I asked her, basta ba hindi nakakataba 'yang pagkain na 'yan.
"Hindi ko pa siya nakita kasi narinig ko lang 'yun sa mga kaklase nila at sabi pa masarap 'yon."
"Then, let's try it," I finally said, at saka kami pumasok sa loob ng cafeteria.
Pumila na kaming dalawa ni Celine para makapag-order nong bagong pagkain na sinasabi ni Celine na gusto niyang i-try naming dalawa. Hindi pa naman mahaba ang pila ngayon dahil wala pang college student ang nandito, pero mamaya meron ng college student dito kaya mas maganda na nakapila na kami ni Celine at nakaorder na ng pagkain namin.
"Hello, po. We would like to try the new food. It's color green something at manok po yata 'yon, mukha po kasing masarap," sabi ni Celine kay Ate.
"'Yung chicken curry po ba?" Tanong ni Ate sa amin ni Celine.
Pumalakpak si Celine ng tumama si Ate. "Yes! Gusto po naming i-try 'yon. Dalawa po, Ate." Nilabas na ni Celine yung card niya at ganon rin ang ginawa ko.
"Two chicken curry. Coming up!"
Naglakad naman kami ni Celine para makaalis na sa pila at saka ko tinapat ang card ko upang bayaran yung pagkain na binili naming dalawa bago kami naghanap ng table, para doon kumain. Nakahanap kaming dalawa ni Celine at malapit 'yon sa bintana ng cafeteria kaya naglakad na kami ni Celine papunta doon. Nang makaupo kaming dalawa ni Celine naging busy na siya sa cellphone niya at mukhang may ka-chat pa siya habang ako dito binuksan ko ang laptop ko saka ko pinindot ang isang files na may laman ng mga design na ipapagawa ko someday for my flower shop.
"Ang lakas niyang lokohin ako!" Napatigil ako sa pagki-click ng bigla na lang sumisigaw.
I can see Celine angry now while she looking at her phone, sobrang diin ng pagkahawak niya sa cellphone niya at parang umuusok na ang tenga niya ngayon. Kausap niya siguro 'yung lalaki na hindi niya nakita kanina.
"Problema mo?" I asked her.
Pabagsak na binitawan ni Celine ang kanyang cellphone at inis na bumaling sa akin ngayon na oara bang ako ang kaaway niya. Badtrip na siguro siya ngayon.
"'Yung nakilala ko sa online na pinuntahan natin sa college building na hindi naman natin nakita. Hindi naman pala siya dito nag-aaral. Wow! Sinayang niya ang oras ko! Hindi ba niya alam kung gaano kahalaga ang oras ko? Tapos sinayang niya lang!" inis na sabi ni Celine.
Napatingin naman ako sa tissue na hawak-hawak niya. Napangiwi na lang ako doon dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Celine doon. Kawawang tissue sa kaniya pa tinuon ni Celine ang asar niya ngayon dahil doon sa lalaking nakilala niya sa online.
"I told you. Huwag ka kasing maghanap sa online. They all strangers, pretty beshie. You can find here whatever you like, huwag lang sa online," I said, sana naman madala na si Celine ngayon na niloko lang pala siya.
"Talaga! Never na talaga ako maghahanap sa online," she final said, na parang nangangako siya na hindi na siya maghahanap sa online.
"Ito na po ang order niyo," I heard someone said to us.
Inurong ko naman ang laptop ko para mailapag niya ang pagkain na inorder namin ni Celine. Nang mailapag niya ang inorder namin ni Celine, naamoy ko na agad at mukhang masarap ngayon.
"Are you new here?" Napatingin ako kay Celine na biglang nagtanong.
Bumaling naman ako sa taong nagdala ng pagkain namin ni Celine. He didn't familiar to me at bago mukhang bago nga siya dito dahil halos lahat ng nagseserve dito ay kilala ko sa mukha, pero siya ay hindi. He's tall na mukhang magkasing height lang sila ni Zander at moreno siya na matangos ang ilong. He has a look na seryoso palagi, yung buhok niya napakaayos tignan. He didn't look like a waiter here. He looks like a model in a magazine.
"Yes, bago lang po ako dito."
Ang lalim ng boses niya, he bows to us before he left our table.
"Gail. Mukhang nakita ko na ang magiging future boyfriend ko na pwedeng-pwede ko ipakilala kanila Mommy at Daddy." Napatingin ako kay Celine dahil sa sinabi niya.
Nakatingin pa rin siya doon sa lalaki na kanina lang naghatid ng pagkain namin. Hinahabol ng tingin niya yung lalaki.
"Pasok na pasok siya sa ideal man ni Celine."
"You didn't know na baka may girlfriend na yang pinapangarap mo," I said to Celine, para masira ang namumuong fantasya sa isipan ni Celine.
Umayos naman ng upo si Celine at tsaka siya nagsimulang kumain na. Ganong klaseng lalaki, sure ako na may girlfriend na ang mga ganon at habulin rin ng mga babae. Swerte na lang ni Celine kung walang girlfriend ang natitipuhan niya ngayon.
"We didn't know na baka wala siyang girlfriend, kaya wag kang advance mag-isip Gail," Celine said to me. See? Type na talaga ni Celine ang lalaking yon.
"Type mo na agad? Hindi mo nga alam ang pangalan nong lalaking 'yon," I said again.
Magtatanong na lang kasi si Celine, hindi niya pa tinanong ang pangalan nu'n.
"Oo nga pala. Don't worry malalaman ko rin yan," she said.
Napapailing na lang ako kay Celine na mukhang type niya na talaga yung lalaking yon, habang kumakain siya nakangiti siya na maganda ang iniisip niya. Nagfocus na rin ako sa pagkain ko buti na nga lang at kaunti lang ang kanin na nilagay sa plate ko buti na lang talaga. Masarap siya at mukhang magpapaluto ako kay manang ng ganitong ulam, dahil nagustuhan ko siya at balak ko na ipatikim kay Kuya Gio itong bagong ulam na natikman ko.
"Guys! They here na!" Ang conyo naman nong babaeng suimigaw.
Napuno na ng tilian ang cafeteria ngayon dahil paparating na sila Kuya Gio dito dahil break time na nila. Napatingin ako sa bintana at sakto na dumaan si Zander at nakaakbay sa kaniya si Kuya Jayvee na mukhang may sinasabi sa kaniya.
"Mas maganda kung ako ang nakaakbay sayo, Zander."
"Ayyiiee. Papunta na dito si Crush," panunukso sa akin ni Celine, at ngumunguso siya sa likuran ko.
"Shh...Wag ka ngang maiingay," suway ko kay Celine na ikatuwa niya lang. I calm myself, because I know na dito uupo sila Kuya Gio tuwing natatapos ang klase nila. Nakasanayan na nila Kuya Gio na umupo sa amin ni Celine tuwing break time na nila.
"Hi, Celine. Hi, little Gail," Napanguso naman ako dahil sa tinawag sa akin ni Kuya Jayvee.
Tumingin ako sa kaniya ng masama at tumawa lang siya bago siya tumabi kay Celine.
"Don't call me little Gail. Just Gail only." mariin na pagtatama ko kay Kuya Jayvee.
"Okay. Hi, just Gail only," pang-aasar ni Kuya Jayvee, at sinabayan pa ng tawa niya pati na rin ni Celine na sinupportahan si Kuya Jayvee.
Tumingin ako kay Kuya Gio na nanghihingi ng tulong. "Kuya Gio, he bullying me!" pagsusumbong ko kay Kuya Gio na tumabi sa akin.
"Hit him, Gail," Kuya Gio said to me, na ikangiti ko naman at tsaka ako bumaling kay Kuya Jayvee na tumigil na kakatawa.
"Don't you dare to hit my handsome face, Gail? I'm warning you," Kuya Jayvee warned me.
"Ang k---"
"What was that?" Someone asked and I can feel his breath in my skin na kumiliti sa akin.
Napatingin ako sa left side ko na malapit sa bintana at nakita ko na nakaupo si Zander doon, kung saan nandoon rin ang laptop ko but Zander looked at my food. Napatingin rin ako sa pagkain ko na malapit ko ng maubos.
"Chicken curry ang tawag dyan, Kuya Zander," Celine answered Zander's question.
"Kumakain pala kayo niyan. Nakikita ko lang 'yan sa mga karinderya. Meron pala niyan dito," Kuya Jayvee said.
"Bago 'yan sa menu, Kuya Jayvee. Try niyo po at masarap," pag-aaya ni Celine sa kanilang tatlo.
"Let's go Gio, at umorder tayo," aya ni Kuya Jayvee kay Kuya Gio, at tumayo silang dalawa habang naiwan naman sa tabi ko si Kuya Zander.
Natahimik naman ang table namin at wala ni isa ang gustong magsalita. Naramdaman ko na lang na kinalabit ako ni Celine kaya tumingin ako sa kaniya na nagtatanong. Ngumuso naman siya na harapin ko si Zander. Tumingin naman ako kay Zander na tahimik lang habang yung kamay niya nasa laptop ko.
"Kuya Zander," I called him, and he looked at me.
Bakit naman kasi ganiyan ka makatingin sa akin?! Pafall ka talaga. I cleared my throat first bago ulit magsalita.
"You want to see my design for my future flower shop?" I asked while I'm smiling at him.
Wala na akong paki kung magmukha akong tanga habang nakangiti sa kaniya. Basta gusto ko lang siya makausap habang wala sila Kuya Gio at si Celine lang ang nandito.
"Let me see, then," he said, at tumango naman ako. Inabot niya ang pink laptop ko at saka ko yon binuksan.
Bubungad na rin naman yun dahil tinitignan ko yon kanina before I and Celine start to eat.
"Ayan na, Kuya Zander. Yung labas pa lang po ang nagawa ko, tsaka na lang siguro yung sa loob." I said, na para bang nagpapaliwanag ako sa meeting at siya ang boss ko.
"Hmm... It's beautiful," he said.
Napalingon naman ako sa kaniya na hindi ko na dapat pala ginawa dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Isang dangkal na lang siguro ang pagitan naming dalawa ni Zander at kaunti na lang maglalapit na ang labi namin sa isa't-isa. I didn't know na yumuko siya para makita ang design na ginawa ko. I still looked at him while he looked at my laptop. Bakit kasi ang gwapo mo Zander?! Nakakainis naman ang dami kong kaagaw sayo.
"Starting rude is bad."
Napabaling agad ako sa ibang direction at nahihiyang napahawak ako sa batok ko dahil sa sinabi ni Zander.
"Hindi kaya masama ang tumitig sayo."
"Do you want my feedback?" Zander asked me.
Lumingon agad ako kay Zander at tsaka ako tumango sa kaniya. I need his feedback para mas lalong maging maganda ang outside ng flower shop ko.
"Your design is good, Gail. But kung dadamihan mo ng flower na nasa labas hindi yon maganda, limit the flower outside," he said.
Napatingin naman ako sa design na ginawa ko. Maraming bulaklak ang nasa labas at halos matakpan na rin yung pintuan ng nasa labas. Zander is right hindi maganda sa paningin ang maraming bulaklak na nakalagay sa labas. Parang nasa labas na lahat ng bulaklak at kaunti na lang ang nasa loob.
"I'll change it later," I said.
"Then. See it to me once you have already revised your design," he said, at tumango naman ako.
Pinatay ko na ulit laptop ko at saka ko pinasok na yon sa bag ko dahil matatapos na rin kami kumain ni Celine, pagkatapos non uuwi na kami.
"Ihahatid na lang dito sa table natin yung chicken curry na inorder ko," Kuya Jayvee said ng makabalik sila sa table.
"Kuya Gio, sasabay na lang ako kay Celine ngayon. Gagawa kasi kami ng assignment sa bahay nila," Pagpapaalam ko kay Kuya Gio.
"Just go home before seven," he said, at tumango naman ako.
Natapos na rin kami kumain ni Celine at umalis na rin kami dahil tapos na ang klase namin ngayon. Ayaw pa nga ni Celine na hindi umalis dahil hindi pa niya raw nakukuha ang name nong pumasa sa type niya. Kung hindi ko pa hinila si Celine, hindi pa talaga siya aalis hanggat hindi niya ulit nakikita yung lalaki yon. Tinamaan na talaga si Celine sa lalaking yon.
"Nakakainis! Hindi ko manlang nakilala yung lalaking yon na pwedeng maging Hollywood actor because of his face and his color skin."
Dismaya ni Celine ng hindi niya malaman ang pangalan nong lalaki. We're here in Celine's car at papunta na kami sa bahay niya. Nagmamaktol ngayon si Celine dahil nga sa hindi niya nga nakuha ang pangalan nong lalaking yon.
"May araw pa naman para makilala mo yon, kaya 'wag kang magmaktol dyan, Celine."
"Kakapalan ko na talaga ang mukha ko, kukunin ko na rin ang number niya. Sure naman ako may cellphone siya."
Nakaplano na talaga sa isip ni Celine ang lahat.
"Mahilig ka talaga sa mas matanda sayo," I said to her.
"Wow! Ah! Nahiya naman ako sayo sa age gap niyo ni Kuya Zander." Natatawang sabi ni Celine.
Maski ako natawa rin dahil sa sinabi nya. Ang lakas ng loob kong magsabi ng mahilig sa matanda si Celine but we are same. Best friends talaga kaming dalawa. Five years ang tanda ni Zander sa akin but I don't care, wala ka rin naman magagawa kung t***k ang puso mo sa hindi mo ka age. Love is mysterious kaya. Mabibigla ka na lang minamahal mo na ang mas bata sayo o di kaya mas matanda sayo ng ilang taon. That's the power of love. Hinayaan ko ang katawan ko na bumagsak sa kulay violet na kama ni Celine ng makarating kami sa kwarto niya. Wala dito si Tita at Tito ngayon dahil nag-out of town for business, kaya si Celine lang ang nandito sa bahay nila.
"Ang gwapo niya talaga. The way he look para bang palagi may ibig sabihin ang pagtitig niya sayo," Celine said, at hanggang sa bahay nila dala niya pa rin ang itsura nong lalaki yon.
Sumulyap ako sa kaniya at tsaka ko siya binato ng hello kitty na unan niya at tumama yon sa balikat niya, hindi naman masyadong malakas yon. "Enough for fantasy to him, Celine. Mamaya maging stalker ka na ng lalaking yon," I said to him.
Kinuha ni Celine 'yung pillow niya na binato ko sa kaniya at saka siya umupo sa study chair niya, bago siya humarap sa'kin.
"Syempre hindi ako magiging stalker niya. Siya ang mag-iistalk sa akin. We're beautiful right? So, we don't need to be a stalker to notice ng gusto natin." Celine said, at sa kaniya talaga nanggaling yan ah.
"Panghahawakan ko yang sinabi mo Celine." And she nodded to agree.
I get up mula sa pagkakahiga ko sa kama niya at tsaka ako umupo sa isa pang upuan dito sa kwarto ni Celine. Nilabas ko na yung notebook ko at pati na rin ang libro ko para magsimula na kami ni Celine na mag-aral na dalawa about sa entrepreneurship subject namin. Nagpasound pa si Celine na hindi naman ganon kalakas para hindi madistract ang pag-aaral namin ngayon sa subject ni Mr. Francisco. Hinahighlight ko yung mga dapat na tandaan, like yung tinuro ni Mr. Franciso sa amin.
"Dito kana kaya kumain bago ka umalis, pretty beshie," Celine said to me, while I'm clean up my place dahil uuwi na ako. 6:30 pm na at kailangan kong sumunod sa sinabi ni Kuya Gio, para payagan niya ako once na magstudy ulit kami ni Celine sa bahay nila.
I shook my head. "No need, baka hinahanap na ako ni Kuya Gio." I said, at tsaka ko sinukbit sa likod ko ang bag ko.
"Ihahatid na lang kita sa inyo," she said at tumango na lang ako.
Nauna na akong lumabas sa kwarto ni Celine at nakasunod naman sa akin si Celine. Bumaba na kami at lumabas na ng bahay, tinawag ni Celine yung driver nila para ihatid ako sa bahay.
"Tara na," ani Celine.
I was holding the door of the car when I heard a BMW car stop in front of Celine's house. I looked there and stopped when I recognized whose car stopped in front of Celine's house. My suspicion was correct when the owner of that car came out.
"Zander..." mahinang pagkasabi ko na ako lang ang makakarinig at hindi maririnig ng iba.
"What are you doing? Sumakay kana, pretty beshie." Celine said, at mukhang hindi niya pa nakita na nandito ngayon si Zander.
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko habang nakatingin pa rin ako kay Zander na naglalakad na papalapit sa direction ko.
"What are you doing here?" I asked, nanghuminto siya sa harap ko.
"Sino ba yang kausap-"
Hindi na natuloy ni Celine ang kaniyang sasabihin ng makita niya na kung sino ang nasa harapan ko ng makababa siya sa kotse niya.
"Ikaw po pala, Kuya Zander. Ihahatid ko na po sana si pretty beshie ngayon. Pero ano pong ginagawa niyo dito?" Celine asked to Zander.
"I am here to fetch Gail," he answered Celine.
"Sige Kuya Zander. Ikaw na mag-uwi kay Gail," sabay tulak pa sa akin ni Celine papunta kay Zander.
Muntik pa akong mapasubsob kung hindi lang ako nahawakan ni Zamder sa braso ko, upang hindi tuluyan mapasubsob sa lupa.
"Celine!" Pinandidatan ko pa siya ng mata dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin papunta kay Zander
"Hehe. Sorry napalakas lang tulak pretty beshie. Sige na umalis na kayong dalawa at ipapalock ko na yung gate ng bahay." Pagtaboy ni Celine sa aming dalawa ni Zander.
"Have a good night to you Celine," sabi sa kaniya ni Kuya Zander.
"Same to you po Kuya Zander."
"Let's go Gail," sabi ni Zander sa akin at tumango naman ako.
Naglakad na kaming dalawa ni Zander papunta sa BMW car niya. Zander opens the door in the passenger seat para doon ako umupo. Sumulyap muna ako kay Celine na may kakaibang tingin sa aking dalawa, para siyang kinikilig na ewan lang. Sumakay na ako kotse ni Zander at maski siya ay sumakay na rin sa kotse niya at umalis na kaming dalawa. I'm with my crush now, habang siya ay tahimik lang na nagda-drive ng kotse niya.
"Thank you, Kuya Zander," I said thank you for Zander, masyado akong advance mag-isip kaya nagpasalamat na ako.
"Always welcome, Gail," he said.
Ngumiti naman ako at tsaka ako tumingin sa labas ng bintana. Gabi na at sure ako na lagot ako kay Kuya Gio dahil late ako makakauwi, hindi ako sumunod sa sinabi niyang hanggang 7 pm lang ako sa bahay nila Celine. Pero ngayon I don't know kung anong oras na. Hindi naman ako mapapahamak kasi kasama ko si Zander. Safe ako tuwing kasama ko si Zander, always naman akong safe because I don't have received a death treats or what. Napakunot noo ako ng hindi lumiko si Zander dahil doon sa right side ang daan papunta sa subdivision ng bahay ko. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
"Diba po dapat lumiko kana Kuya Zander? But hindi ka po lumiko?" I asked, hindi ko mapabasa ang iniisip niya ngayon.
"Don't you have dinner with me?"
"Ha?"
Hindi pa nagpoprocess ang tanong niya sa akin ngayon.
"Have dinner with me today, Gail."