Another day for me, another day to wake up at kumilos upang hindi malate sa school at baka magalit sa 'kin sila Mommy, kaya kailangan ko na gumising ng maaga at mag-ayos na para pumasok na. Inaantok pa ako habang nakatingin sa mirror ngayon at pinapatuyo ko na ang buhok ko. Late na kasi akong natulog kagabi dahil late na rin natapos ang bounding nilang lahat. Katulad ng inaasahan ko ay naging masaya kagabi dahil nandoon sila Tita at Tito. Kumpleto na naman silang magkakaibgan kahapon dahil nga sa nakauwi na ng bansa ang parents ni Kuya Jayvee, kaya nakapagbounding sila dito sa bahay. Magkakaibigan kasi ang pamilya namin mula noon hanggang ngayon. Matibay ang kanilang pagkakaibigan at niminsan ay hindi ko nga nakita na nagkakatampuhan sila Mommy, kaya hanga ako sa friendship na meron si

