"Bakit mo ako dinala dito, Else?" I don't know kung anong ginagawa naming dalawa dito kung saan meron siyang photoshoot ngayon. Isinama niya ako dito dahil may gusto raw siyang pag-usapan namin kaya ako sumama sa kaniya. Hindi ko naman alam na dito pala kami mag-uusap kung saan may ibang tao. Dito ba talaga gusto niyang mag-usap kaming dalawa? Lahat ng nandito ay nagseset-up para sa photoshoot na magaganap ngayon dito. "Nasanay ka na pala sa pagtawag sa 'kin ng Else lang without the word Ate," saad niya. Nagtaka ako kung bakit niya nasabi 'yon? 'Yon ba ang dahilan kaya niya ako hinintay kanina sa school para lang sabihin 'yon sa 'kin? Kung bakit hindi ko siya tinatawag na Ate. "Ikaw ang nagsabi na huwag na kitang tawagin na Ate," I said. Nakita ko naman siya na natawa. Pati ang pa

