Pero kaagad ring napeke ang pagkakangiti ko nang maalala kong ilang linggo na palang hindi nagpapakita dito si Coby. Ni hindi na rin ito napapadayo sa condo ko marahil siguro sa ginawang kahunghangan ni Aubrey. Sa twing mapapadapad naman ako sa mga street vendors na malapit lang sa condo ko ay madalas ko itong tinatanong kay Elise. 'Dunno ey. Nung nakaraang linggo pa sya hindi dumadayo dito sakin. Nagtatampo na nga ako dahil wala man lang paramdam' palaging sagot ni Elise sa twing tatanungin ko si Coby. Binalak ko na rin itong itext kaso baka pag awayan nanaman ito nila ng girlfriend nyang selosa. Jelousy-thing, bullshits ! Paglapag ko ng cellphone sa table na kaharap ko ay bigla naman itong tumunog. Iiling iling ko itong dinampot at tinitigan ang pangalan na nakaregister sa cellphon

