Minsan ay nagtatanong sya kung anong ginawa kong basis. Prente ko lamang itong sinasagot na tinatanguan nya rin naman. Inayos nya lahat ng mali at itinama ang mga wala sa ayos. "I think. I should go." paalam nya bago tumayo at inabot sakin ang usb ko. "Gaya ng palagi kong bilin sayo.." panimula nya na nagpangiti sakin. "Kumain sa tamang oras at isantabi muna ang trabaho." magkasabay naming saad dahilan upang mangiti na rin sya. Palabas na sana sya ng pinto nang bigla na lamang bumukas ang pinto at ibinungad nito ang isang pamilyar na babae kasama si Chessa na ngayon ay tuwang tuwa na nandito sa harapan nya si Coby. "Oh Kuya. Napabisita ka?" Tanong ni Chesaa habang nakangiti pa. Kuya? Sa halip na sumagot ay napako ang paningin namin ni Coby dun sa babaeng tisay na di hamak na mas bata

