CHAPTER 3

1068 Words
Hindi busy sa farm si Tito pero alam ko sa sarili kong tinataguan at iniiwasan lang ako nito. Dapat nga ay isang buwan ang gugugulin ko sa Cebu pero walang tao doon ang umasikaso sa pagdating ko. Parang normal lang sa kanila ang araw na iyon at walang bisita na inaabangan. Hindi ko sinasabing takaw na takaw ako sa selebrasyon, ang akin lang, sana man lang naisip nila na sumagot sa survey na ibinigay ko sa kanila. Yun ang rason ko kung bakit nagtungo ako sa Cebu, para sa research ko sa school. "Alam ko ang problema mo sa mga kapatid ko at ng Mommy mo." saad nya dahilan upang balingan ko sya ng tingin. Bakas ang lungkot sa mga mata nito at animong nakikisimpatya dahil sa pinagdaraanan ko. "Don't worry. Darating rin ang panahon at unti unti ka nilang matatanggap. I promise you," saad nya sabay tapik sa ulo ko na parang bata. Buong buhay ko, sa halos ilang taon kong pamamalagi sa puder nila, si Dad lang ang nakakaintindi at umuunawa sakin. Siya lang ang tumayo at hindi nagkulang ng pagmamahal sakin. I greatly appreciate my Dad kesa kay Mom na sa una lang magaling. Alam mo bang may sakit si Mom? Favoritism. Favoritism sa anak. Pagdating sa bahay ay gulat ang gumuhit sa mga mata ni Mom. Dumiretsyo naman si Dad at agad na sinalubong ng orihinal nyang Anak. "Dad I miss you," malambing na saad ni Elise habang nakayakap pa rin kay Dad. "I miss you too Honey," saad naman pabalik ni Dad bago humarap kay Elise at paulit ulit itong hinalikan sa noo. Nakaramdam ako ng selos dahil nung wala pa si Elise ay sakit lang yun ginagawa ni Dad.. pero ngayon, may kahati na ako sa atensyon nya. Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Mom sa pwesto ko dahilan upang sa kanya naman mabaling ang atensyon ko. "I thought mag i-stay ka sa Cebu for one month?" Tanong nya na halata pa ring gulat na nandito ako sa harapan nya. Paulit ulit akong yumuko sa harapan nya at humingi ng paumanhin. "I'm sorry Mom. Tapos na kasi ako sa survey ko--" rason ko na kaagad nyang pinutol. "Sana naman naisipan mong bakasyon para naman marelax ang katawan mo." saad nya dahilan upang makaramdam ako ng panlalamig sa tiyan. Alam mo ba kung bakit? Alam nyang ngayon ang dating ni Dad kaya gusto nyang mapalayo muna ako. Gusto nyang magkaroon sila ng quality time na buong pamilya nang hindi ako kasama, nang wala ako sa tabi nila. "I'm sorry," paumanhin ko pa pero ngumiti lang ito. "It's okay. You don't need to say sorry, honey." saad nya pero ramdam ko ang pait sa boses nya. Isang pilit na ngiti lamang ang iginawad ko bago ako nagpaalam na pumasok at magkulong sa kwarto. Nang gabing iyon ay nawalan na ako ng ganang lumabas ng kwarto upang mag dinner. Feeling ko kasi masisira ang quality time nila sa isat isa. Sino ba ako? Isa lang akong pabigat na ampon sa pamamahay na to. Dapat ko bang sisihin si Elise? "You want this one?" Tanong ni Dad sakin habang ipinapakita ang isang kulang pulang bestida na binili nya rin kay Mom kanina. "Ang ganda Dad." saad ko habang gulat na gulat na pinagmamasdan ang bestida na hawak nya. "Mas bagay sayo ito nak," sabat naman ni Mom bago inabot sakin ang kulay dilaw na tshirt na malayong malayo sa itsura ng bestidang binili ni Dad sa kanya. Wala akong choice kundi tumango. Pabuntong hininga namang ibinaba ni Dad ang bestidang bibilhin nya sana para sakin. Maya maya lang ay umatungal na sa tili si Mom bago hinila palayo si Elise. Nang lingunin ko ito ay napangiti na lamang ako ng mapait. "Bagay sayo ito baby ko," malambing nyang saad habang idinidikit sa katawan ni Elise ang pulang bestida na ka-size nito. Kamukha nito yung bestida na binili ni Dad para kay Mom kanina. "Tara Nak. Hanap pa tayo sa ibang boutique." yaya ni Dad bago ako hinigit ni Dad palabas sa boutique na iyon. "Wag mo sanang mamasamain ang ginawa ng Mommy mo" saad nya sakin na tinanguan ko. "It's okay Dad. Hindi naman po ako nagsusuot ng bestida." pagsisinungaling ko kahit na type ko ang bestidang iyon. Sandali kaming nag ikot ni Dad sa isang jewelry shop. Tinitigan ko lamang syang mamili ng mga kwintas na ibinigay nung saleslady kanina. Habang busy si Dad ay prente muna akong lumabas sa boutique upang magpahangin. "Ate. Saan ko makikita yung toy shop?" tanong ni Elise dahilan upang balingan ko sya ng tingin. "I want to buy some toys" nakanguso nyang dagdag na tinanguan ko. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Mom. Hindi sana ako papayag sa gusto ni Elise pero lalo lamang ako nitong guguluhin kapag hindi ako pumayag sa gusto nya. Pagpasok sa wonderland ay dali daling nagtatakbo si Elise sa mga stunt ng mga laruan. Nakangiti ko naman syang pinanood habang nanlalaki ang mga mata na itinuturo turo ang mga laruan na nakikita nya. "Thalia? Ikaw na ba yan?" Saad ng boses ng babae na nagmumula sa likuran ko dahilan upang lingunin ko ito. "Ikaw nga." saad nya na animong gulat na gulat. Nang makita ko si Sister Esme ay dali dali na akong tumakbo palapit sa kanya at sinalubong sya ng yakap. "Sister Esme," mangiyak ngiyak kong saad habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Sinagot nya ang yakap ko habang natatawa sya sa pag iyak ko. "Akala ko hindi na kita makikita rito sa Pilipinas." saad nya bago ako hinarap at hinaplos ang pisngi ko. "Lumaki kang maganda, Iha." puri nya na nagpalawak ng ngiti ko. Tatawa tawa kong pinunasan ang mga takas kong luha at nakangiti syang sinalubong ng tingin. "I really miss you Sister Esme. Miss ko na kayong lahat." saad ko habang tatalon talon pa sa kinatatayuan. "Kamusta na po kayo?" Tanong ko na nagpangiti sa kanya. "Okay lang kami. Ikaw ? Kamusta ka na?" Tanong nya pa na hindi makapaniwalang tinitirigan ang mukha ko. "Ayos lang ako Sister Esme. Si Coby po? Kasama nyo po ba sya?" Tanong ko na nagpatipid sa ngiti nya. "Gaya mo ay naampon na sya," saad nya pa na nagpawala sa ngiti ko. Dapat akong maging masaya dahil sa wakas ay may umampon na kay Coby di ba? Pero di ko maiwasang malungkot dahil mukhang mas lalong nagkalayo ang landas naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD