CHAPTER 4

1247 Words
"Sana naman po maayos ang pamilyang umampon sa kanya di ba?" Tanong ko na sunod sunod nyang tinanguan. "Governor ang umampon sa kanya kaya paniguradong nasa maayos syang mga kamay" "Sana ganun nga." matabang kong saad bago mag iwas ng tingin. "Kelan po sya inampon?" Tanong ko pa na nagpangiti mula sa kanya. "Isang buwan simula noong umalis ka," sagot nya sabay tap sa ulo ko. "Minsan nga ay iniisip kong.. itinadhana nga siguro kayo ni Coby." natatawa nyang biro dahilan upang lumukot ang mukha ko. Ilang sandali pa muna ang nakalipas bago muli syang magtanong. "Nasaan ang pamilya mo? May kasama ka ba?" Tanong nya pa dahilan upang kumabog ang puso ko. Saka ko lamang nalaman na at naalala na kasama ko si Elise sa boutique. Hindi na ako nakapagpaalam kay Sister Esme at dali dali na lamang na tumakbo palapit sa lugar kung saan ko iniwan si Elise. "Elise !!" Pasigaw kong tawag sa pangalan nya. Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Mom dahilan upang bumagsak ako sa sahig. Kanina pa kami nasa bahay at ilang oras nang nawawala sa mall si Elise. Ni isang bakas ay wala kaming natagpuan kung nasaan man sya nagpunta. Kanina pa ako minumura, sinusumpa at sinasaktan ni Mom. Wala namang nagawa si Dad kundi tignan lang ako, bakas ang galit sa mukha nito pero ni minsan ay hindi nya ako pinagsalitaan ng masasakit na salita at pinagbuhatan ng kamay gaya ng ginagawa sakin ngayon ni Mom. "Sinasabi ko na nga ba. Tama si Francheska.." diin nyang saad habang mataman akong tinitigan magmula ulo hanggang paa. Kanina pa ako humihingi ng tawad pero hindi nya man lang ako nagawang pakinggan. Ni hindi nya man lang narinig ang mga paliwanag ko. "Demonyita ka nga" saad nya na lalong nahpabuhos ng mga luha ko sa mata. Walang planong pigilan ni Dad si Mom dahil ramdam ko rin sa sarili kong ako rin ang sinisisi nito. "Mom. Listen to me--" putol kong saad dahil sumugod na ito ng sakal sa leeg ko. Kung may balak syang patayin ako, edi sige. Hindi ako lalaban dahil kasalanan ko naman talaga. Ilang sandali lang bago umawat si Dad at tuluyan nang inilayo nito si Mom sakin. "Stop Myra. Walang mangyayari kung ganito ang gagawin natin." asik ni Dad dahilan upang balingan sya ng tingin ni Mom. "Siya nanaman ba ang kakampihan mo?!" Sigaw ni Mom sa kanya habang nakaturo sakin. Sobrang diin ng boses ni Mom dahilan upang mapapikit ng mariin si Dad dahil sa biglaang paglakas ng boses nito. Ang sigawan ni Mom si Dad ay ang pinaka nakakapanibagong pangyayari sakin dahil ni minsan ay hindi ko ito narinig na sinagot si Dad ng ganito katapang. "Nagpapabulag ka sa batang yan !" Dagdag nya pa sabay turo sakin. Nanatili lamang akong nakaupo sa sahig at pilit na tinatanggap sa katawan ang sigaw at pangungutya ni Mom sakin. "Walang mangyayari kung--" banat ni Dad pero pinutol sya ni Mom. "Ang sabihin mo namamaburito--" putol ring saad ni Mom dahil nagulat sya sa pagsigaw ni Dad sa kanya. "f**k, Myra ! Ikaw ba hindi ka namamaburito ?! Anak mo rin si Thalia pero kung itrato mo sya parang hayop !" "Because she's not my daughter !" "She's your daughter! Legall !" Sigaw na saad ni Dad na animong nagtitimpi ng galit kay Mom. "Ipinaglaban mo sa korte na ilipat sayo ang kustodiya ng bata tapos itatapon mo na lang kapag nagsawa ka na !" "Ni minsan hindi ko--" "You're acting like a child, Myra. I can't believe you!" Sigaw ni Dad bago kami iniwan ni Mom. Pansin ang ang unti unting pagbuhos ng mga luha sa mata ni Mom. Binalak ko syang nilapitan pero tinulak tulak lang ako nito at dinuro. "Kapag may masamang nangyari kay Elise.. gagawin kong impyerno ang pamamalagi mo sa puder ko." banta nya bago sundan si Daddy sa labas. Wala akong nagawa kundi tahimik na lumuha at mag alala. "Elise," naiiyak kong tawag sa pangalan ng kapatid ko. Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan.. hindi na namin muling natagpuan si Elise. Ni wala kaming alam kung saan man sya naroon. Na sakin ang sisi ng lahat, maliban kay Dad. Hanggang ngayon ay nagdadamdam si Mom sa pagkawala ng orihinal nyang Anak at ako ang pilit nyang sinisisi sa lahat. Dahil nga sa hindi nagpatuunan ng atensyon ang kumpanya ay unti unti itong bumabagsak at nawawalan ng assets, nababalot na rin ng liabilities ang kumpanya namin dahil sa maraming utang at perang nawala samin dahil sa pagkawala ni Elise. Umabot pa nga sa puntong ginusto nang magpakamatay ni Dad pero napigil lamang sya ni Tita. Ako itong inosente, pero na sakin ang sisi ng lahat. *** Taon na ang lumipas at nakatuntong na rin ako sa kolehiyo. Nag aral akong mabuti upang matulungan si Dad sa kumpanya. Tinapos ko ang kurso ko at ngayong nakatapos na ako.. handa na akong sumabak sa mga pagsubok na kakaharapin ko. "Makapal rin naman talaga ang mukha mo Thalia" saad ni Mom pagkapasok nya sa munti kong opisina sa labas mismo ng opisina ni Dad. Pabato nitong ibinagsak ang mamahalin nyang purse at iginala ang paningin sa munti kong faculty. "Anong pakiramdam na ikaw ang nasa pwesto na nararapat para lang sa Anak ko?" Galit nyang sagot pero bakas ang pait sa boses nito. "Mom--" putol kong saad pero pinigilan nya ako. "I'm not your Mom. Hindi ako nagpalaki ng impaktang bata na katulad mo" asik nya kasabay ng pag irap sakin. Simula noong nawala si Elise, ganyan na ang naging trato nila sakin. Si Dad na lang ang kaisa isang tao na tumabi sakin. Well, hindi na sya malambing katulad nung dati pero pinapakisamahan nya pa rin ako ng maayos. "Magpakasaya ka dahil sa oras na matagpuan ko ang Anak ko, dadalhin kita sa kangkungan kung saan ka nararapat," banta nya bago lumisan sa opisina ko. Buong buhay ko, naging malas ako sa paningin ng tao. Kung pwede lang humiling, hihilingin ko na sana bumalik na si Elise at sana maibalik ko ang mga panahong nawala sya. Sana ako na lang ang nawala, pero I wonder if ganito rin ba ang gagawin nila kung sakaling ako ang nawala? Hahanapin rin ba nila ako? Tahimik lamang akong pumipirma ng mga dokumento sa table ko. Ni hindi ko na namalayan ang oras dahil sa sobrang trabaho. Ilang gabi na rin akong nagpapakapagod dito sa opisina at hindi na madalas nakakauwi sa bahay. Ano bang gagawin ko sa bahay? Bibig lang ni Mom ang pupuntirya sakin kaya mas mabuting dito na ako nagpapalipas ng gabi. Bahagya pa akong napabalikwas sa pagkakaupo ng bigla na lamang tumunog ang cellphone ko dahil sa message na natanggap ko. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ko ng makita ko ang mensahe ni Dad. From: Dad Wag ka ng magpaka pagod nak. Uwi ka na dito sa bahay. To: Dad I'm so busy Dad. Sa Condo ko na lang ako uuwi dahil may tatapusin pa akong reports para sa proposal bukas sa bagong kliyente. From: Dad Ganon ba Always take care Nak. Kumain ka rin sa tamang oras huh To: Dad Yes, Dad. Goodnight. I love you. From: Dad I love you too. Nang oras ring iyon ay nagdesisyon na akong iuwi na lang sa condo'ng tinutuluyan ko ang mga trabaho ko sana para bukas. Nag advance na ako ng paggawa sa proposal kaya naman marami na akong oras para magpahinga. Ako lamang itong mapagmadali sa lahat ng trabaho. Palibhasa, ganito akong nitrain ni Dad
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD