Di kalayuan ang condo unit ko dito sa opisina kaya naman nilalakad ko na lang. Sa kanto bago lumiko ay may nadaanan pa akong street food ventors. Aaminin kong hindi ako kumakain sa mga ganitong klase ng kainan pero nagtetempt talaga akong bumili dahi sa sobrang gutom. Kaya naman for the first time, lumapit ako sa isang stall na nagtitinda ng ibat ibang klase mg pagkaing weird. "Ano po sa inyo Maam?" Nakangiting tanong nung isang tindera. Siya lang ang nag stand out sa mga kasama nya ring tindera dahil sa kutis nitong makinis at maputi. Medyo bata ito ng kaunti at palaging nakangiti. Bahagya pa akong nagselos dahil sa sayang sumilsilay sa mga labi nya. Payak lang ang buhay nito pero mukhang masaya sa mga kasama nya sa trabaho. "Ano ito?" Tanong ko sabay turo sa bolang kulay kahel na nak

