Napakapit siya sa braso ni RJ. Nang walang babalang bigla nalang siya hinila at ikinulong sa braso nito. Titig na titig naman ito sa kanya. At parang kay bilis bilis ng paghinga nito habang napapalunok. Maging siya naman ay parang may nagtatakbuhang daga sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung bakit ganito na naman ang kanyang nararamdaman. Akala ba niya iiwasan na niya ito? Bakit? Bakit parang ang sarap namang makulong sa mga bisig nito? Kaya ipinilig niya ang kanyang ulo. “RJ!” Anas niya ng dahan dahan na naman nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya. But this time nasa bahay na sila, nasa tamang lugar na sila. “Megan, I’m so sorry noong nakaraang gabi.” Anito nang malapit na malapit na ang bibig nito sa kanya at idinikit na nito ang noo sa kanyang noo. “Sorry dahil nabi

