Chapter 20: 1 month

1042 Words
Kay bilis ng isang buwang pananatili niya sa Maynila. Minsan kina Mikey siya at minsan kay RJ. Ayaw na niya sanang makita ito matapos ang pangyayaring iyun sa pagitan nila. Maging ito din ay wala na ding pakialam. At minsan nagtataxi nalang siya papuntang The Hangouts. Ngunit naisipan niyang masyado naman yata siyang halata na may gusto dito. Kaya kapag minsan nagkikita sila, balik sa dating pormal lang ang kanilang batian sa isa’t isa. Inamin na din niya kay Mikey na iba na ang nararamdaman niya kay RJ. Pero nakiusap siya nitong wag na siyang masyadong tuksuhin dahil sakit lang sa puso ang aabutin niya dito. Hindi na sila pwede ni RJ, dahil may Arlene na ito. Ngayon niya naisip kaya pala doon din si RJ sa condominium na yun. Doon din pala si Arlene. So ibig sabihin sinusundan pa rin nito si Arlene at may posibilidad pa ring magkabalikan ang dalawa. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na siya. Hindi pa nga sila pero ito at nasaktan na naman siya. Pero gabi gabi pa rin naman siyang nagpeperform sa The Hangouts puro mga hugot songs ang mga ikinakanta niya. Minsan lang ang reggie songs. Kagagaling niya lang sa baba sa supermarket ng makita niya sina Lea at Vince. Natutulog ang huli habang karga ito ng ina. Siya naman ay nagbubukas ng kanilang pintuan sa unit na may mga dala dalang pinamili. Ngumiti at bumati muna siya kay Lea. Mukhang aligaga ito. Bihis na bihis pero parang problemado. “Bakit Lea?” “Ahhh Megan, kakapalan ko nalang yung mukha ko. Wala kasing maiiwan kay Vince eh.” Anitong parang nakakita ng pag-asa sa kanya. “Ah gusto mo ako nalang magbabantay sa kanya?” “Kung maari lang sana Megan? Tatanawin kong malaking na utang na loob. May dadaluhan kasi akong interview eh walang magbabantay kay Vince dahil hindi daw makakasipot yung hi-nire kong babysitter ngayon sa makalawa pa.” “Walang problema Lea. Ako nalang wala din naman akong gagawin. At isa pa mahilig ako sa bata. Mukhang hindi naman malikot si baby Vince.” “Naku! Maraming salamat talaga Megan ha.” Anitong nakahinga ng maluwag. “Hindi ka lang mukhang anghel Megan anghel ka talaga.” Anitong nakangiti at kumuha ng isang libo sa loob ng pitaka nito at iniabot sa kanya. “Naku! Huwag na Lea. Ako ng bahala kay Vince pakakainin ko nalang siya ng mga mash na gulay.” “Hayaan mo na Megan.” Saka nilagay nito sa dala dala niyang supot. “Naku Lea hindi pwede. Teka at ipapasok ko muna itong mga bitbit ko sa loob at kukunin ko si Vince.” Aniyang nabuksan na ang pintuan at dali daling pumasok saka nilapag ang mga bitbit sa counter table at bumalik sa labas. Kinuha niya agad si Vince na natutulog. Saka bago umalis si Lea ay isinuksok niya ulit ang isang libo sa bulsa ng pantalong nito saka nagpaalam na. Napapangiti nalang ito at todo pasasalamat. Hinalikan pa nito ang anak bago tuluyang umalis. Pagkapasok nila maya maya ay nagising naman si baby Vince. Umiiyak ito kaya dali dali niyang kinuha ang ibinigay ni Lea na organizer bag for baby at kinuha ang gatas at milk bottle at ipinagtimpla ito ng gatas. Pagkatapos ay inilagay niya sa bunganga ni Vince saka ito napatahan. May alam naman siya sa pag-aalaga ng bata kahit wala pa siyang anak. Dahilan sa naging trabaho niya dati sa Saudi Arabia. Isa siyang all around. Kay hirap ng trabahong dinanas niya doon. Maya maya ay naubos na nito ang iniinom ngunit tuluyan ng gumising ang baby. Kaya nilaro laro niya ito. Pinanggigilan niya si baby Vince. Masarap din ito pogpogin ng halik dahil ang bango bango. At isa pa ay tuwang tuwa naman ito kaya wiling wiling siya sa batang ito. Naiimagine na naman tuloy niya ulit na gustong gusto ng magkaroon ng sariling anak sa edad niya. Masyado na siyang lampas sa kalendaryo at madadagdagan na naman yan nitong taon na ito. PAPAUWI na siya ng bahay habang nagmamaneho ay lage pa rin niyang naiisip si Megan. Ilap na ilap na ito sa kanya simula ng mangyari ang halikan nila sa loob ng elevator. Gusto niyang kausapin sana ito tungkol sa bagay na iyon ngunit parang iniiwasan naman siya nito. Hanggang sa lumipas ang dalawang linggo ay wala pa rin silang imikan. Ngunit lage naman nitong binabagabag ang kanyang isip. Sanay madatnan niya ito sa bahay ngayon. At gusto na niyang makausap ito. Gusto niyang humingi ng tawad. Pero gustong gusto naman niya ang nagyayari. Ang ikinainisan niya lang ay si Arlene. Sa tinagal tagal nang panahon na hindi man lang nito kinukumusta ang anak ay mismong sa araw pa na iyon nito kukumustahin. Ang asawa naman nito? Anong klaseng lalaki? Napakawalang kwentang nilalang na mga ito sa mundo. Pagkarating sa parking ay agad siyang sumakay ng elevator at pinindot ang 17th floor. Pagkarating sa harap ng unit niya ay agad niya binuksan. Ang eksinang nadatnan niya, si Megan may karga kargang bata na natutulog habang nagluluto. Saka napatingin ito ng marinig sigurong may nagbubukas ng pinto. Saka sumenyas pa ito ng huwag kang maingay. Hindi niya alam pero ang gandang panoorin ang eksinang ganito. Mahilig din pala ito sa bata. At kaninong bata naman kaya ito? Bakit nasa kay Megan? Kaya lumapit siya sa mga ito. Parang naiimagine niyang mag-asawa na sila ng dalaga, pagkauwi niya galing trabaho ay madadatnan niya itong nagluluto habang nag-aalaga ng kanilang mga anak. Pero infairness ha kinikilig siya. Bigla naman itong napatigil sa harapan niya at tumitig sa kanya. Gusto na niya sanang makausap ito at halikan ulit ngunit dinahilan nalang niyang kunin ang batang karga karga nito habang ipinagpatuloy nito ang pagluluto. Agad naman nitong ibinigay ang bata. At ito ay nagpatuloy na sa pagluluto. Nagluluto pala ito ng pagkain para sa baby at pagkain din nila. Kay sarap siguro nitong mag-alaga. Napag-alaman niyang si Vince ito. Ang anak ng kapitbahay nilang si Lea. Dahil kinahapunan ay umuwi na ang ina ng bata at kinuha nito ang anak. Papasok na sana si Megan sa kanyang kwarto ng walang babalang hinila niya ito. Ewan basta gusto nalang niya itong ikulong sa sarili niyang mga braso para hindi na ito makawala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD