“Ang gwapo talaga ni Alex ano?” Ani ni Mikey nong nakauwi na sila. Magkasama sila nito ngayon sa bahay ng tita nito sa Pasay. Dito sila nagpahatid kina Billy at Alex.
“Huwag mong sabihing type mo si Alex?” Aniyang hindi makapaniwala. “Akala ko si Billy?” Sabay ngisi rito nang-aasar lang.
“Heh! Tumahimik ka diyan!” Anitong bigla siyang sininghalan. Mukhang kumukulo talaga dugo nito sa taong nabanggit. “Ayoko sa onggoy na yun. Napakadaldal at mapagpintas pa.”
Kaya tawang tawa siya.
“Si Alex lang ang gwapo at type ko.”
“Gwapo din naman si Billy ah? Grabeh?! Aminado ka talaga ha?”
“Oo naman, hindi tulad ng iba diyan?” Anitong parang may pinariringgan, siya. “Ang sabi, friend lang talaga hindi type at hindi siya attractive daw dito.”
“Hindi naman talaga. Kita mo ‘yun may kasama naman siyang iba di bah?!” Parang natamaan siya sa ibig nitong sabihin.
“Naku...!!!” Anitong napanguso pa. “Sige ipagpatuloy mo yung pagiging in-denial mo teh?! Dahil kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa nabulagta si Clarissa.” Sabay talikod sa kanya.
Nakahiga na sila ngayon dahil medyo lasing na sila dahil sa nainom.
“Nakatingin naman ako sa lahat ah. Ikaw nga din?”
“Naku indai Megan, huwag ako?! Nakatingin ka sa lahat pero kay Clarissa parang punyal ka kung makatitig. Ang landi ano? Mukhang feel na feel niya rin si RJ.” Pinadiinan din nito ang salitang rin.
“Matulog na nga lang tayo?” Aniya na nakatalukbong na ng kumot.
Hanggang sa maramdaman niyang nakatulog na nga ito. Pero siya, mulat na mulat pa ang mga mata. Parang nawala na yata ang epekto ng kalasingan niya. Uminom pa kasi sila ng kape apat sa may 7/11. Kaya heto siya ngayon, gising.
Iniisip kung isinama ba ni RJ na iniuwi ng bahay si Clarissa. Grabeh naman kasi kung lumandi at si RJ din feel na feel din nito si Clarissa. Bakit parang nagngingitngit siya sa galit? Hindi naman sila ni RJ. At isa pa wala talaga siyang gusto dito. Ayaw niya, ayaw niya sa malandi!
Jusko! Patulugin niyo na po ako? Tigilan mo ng katatakbo sa utak ko RJ at Clarissa! Papatayin niyo yata ako ah. Sabay takip pa niya sa magkabilaan niyang taynga.
Buti pa si Mikey, tulog na tulog na. Naghihilik na pati poke nito. Pero siya ewan?!
IHAHATID niya lang sina Clarissa at Irene sa kanila. Sina Megan at Mikey ay sa Pasay umuwi at inihatid nina Billy at Alex.
Pagkarating sa kanila ni Clarissa ay nauna ng bumaba si Irene, at si Clarissa ay naiwan.
“So, baby.” Ani ni Clarissa sa malanding boses sa kanya. “Hanggang dito nalang kami. Or are we gonna go somewhere else?” Anitong sa nang aakit pa na ngiti.
Napatawa naman siya. Medyo lasing na rin siya.
Nilaro laro na naman nito ang braso niya sa pamamagitan ng mga daliri nito.
“Baka hinihintay ka na ni Irene.” Aniya rito.
“Naku! Huwag mong intindihin yun. Nakakaintindi yun.” Anitong inilalapit na ang sarili sa kanya.
Bakit parang wala siyang maramdaman? Maganda naman ito, sexy at malalaki din ang dibdib pero wala siyang makapang naapektuhan siya.
“Ah Clarissa.” Aniyang awat rito.
“Oh yeah baby?” Anito sa umuongol na boses. At bigla nalang nitong ibinaba hanggang puson ang suot na tube.
Bumulaga sa kanyang harapan ang malalaking papaya nito. Ewan ba niya pero naisip niya bigla si Megan? Mas gusto niyang ito ang maghuhubad sa kanya. Kaya ang ginawa niya ay hinawakan niya ang magkabilang gilid sa taas ng tube ng damit ni Clarissa ngunit nasagi pa rin niya ang mga papaya nito, na pilit namang humahalik sa kanya at itinaas ang damit nito para takpan ulit ang dibdib nito.
Mukhang naasar at nainsulto yata ito sa ginawa niya, kaya sambakol na mukha ang nakikita niya.
“Ah so nirereject mo ako?” Anitong parang mangiyak ngiyak. “Alam ko naman eh sa kay Megan ka lang titig na titig kanina. Type mo ba siya?”
“No Clarissa. Lasing na kasi ako. Kailangan ko ng umuwi at magmamamaneho pa ako’t may urgent work pa ako bukas.” Palusot niya, ayaw niyang mainsulto ito.
“Hmmp! Sige next time nalang!” Anitong binubuksan na ang pintuan at saka lamabas ng sasakyan niya. Pabalabag pa nitong isinirado ang pintuan.
Saka siya tumalima at pinaandar ang sasakyan pauwi ng condo niya. Pagkarating ay agad siyang naligo saka natulog.
Kinabukasan nagising siya bandang ala una ng hapon.
Pagkalabas niya ng kanyang kwarto na naka pyjama lang ay agad niyang nadatnan ang babaeng nagpapagabag sa buo niyang magdamag nagluluto ito sa kusina. Mukhang patapos na ito.
Nang mapatingin sa kanya at makita siya ay agad na ngumiti ng pagkatamis tamis yung walang halong kalandian pero naakit pa rin siya sa hitsura nitong simple lang pero may dating. Nakaduster ito na spaghetti. Parang na-e-imagine niya itong napakabuting may bahay ngunit nagpakatanga lang sa isang walang kwentang lalaki.
Pero nawala ang ngiti nito ng makitang hindi siya gumanti.
“Ahhh tamang tama tapos na ako.” Anito. “Kain na tayo? Si Clarissa? Kasama mo? Pangtatlohan kasi tong niluto ko.”
Napakunot-noo siya sa tanong nito. Na nagtaka din ang hitsura nito.
“Bakit?” Tanong nitong napatigil sa paglalapag ng mga plato at palapit na siya sa may lamesa.
“I never bring girls in my home.” Sagot niya rito na nakaupo na sa counter table paharap sa dalaga.
“Ah so ibig sabihin hind ako babae kaya andito ako.” Anitong napangisi.
“No, I mean girl. Girlfriend.” Aniyang napatawa na rin.
“Kumain na nga lang tayo. Tamang tama itong niluto ko para sa hang over.” Anitong parang biglang nawala ang ngiti nito.
Kaya naman nagsimula na rin siyang kumain.
Ang totooy ayaw na niyang makontak ulit si Clarissa kahit nakita niyang nakailang tawag at text ito sa kanya paggising niya. Wala na siyang pakialam dito. At nagsinungaling lang siya sa babaeng kaharap.
“Ah siya nga pala Megan. Papayag ka ba sa alok naming maging vocalist ka sa banda?”
“O-oo naman.” Anitong pilit ngumit at tumango habang ngumunguya sa isinubong pagkain sa bibig.
“Mag-uumpisa ka na this week.”
Nakita niyang tumango ito at di na tumingin sa kanya.