Chapter 18: Thinking of You

1089 Words
Kagabi pa naman niya alam na ini-hire na siya bilang vocalist nina Alex, RJ, at Billy. Inulit lang talaga ni RJ para may mapag-usapan lang sila. Pagkatapos noon wala na silang imikan hanggang matapos kumain at nakahiga na siya sa kama niya ngayon. Nakaunan naman ang kanyang ulo sa kanang braso niya habang titig na titig sa kesamang naroon. Naiisip na naman niya si RJ. Hindi daw dinadala nito dito ang mga babae nito syempre andito siya eh malamang! Pero wala naman siyang pakialam. Pakialam ba niya? Eh nakikitira lang siya dito, ano bah?! Maaga pa naman siyang umalis kanina kina Mikey at umuwi dito sa condo ni RJ para alamin kung kasama ba nito si Clarissa. Kaya noong makita niya ang binata na mag-isang lumabas sa kwarto nito ay kay lapad ng mga ngiti niya at kay tamis. Nawala lang ng sinabi nitong hindi nito dinadala ang girlfriend nito dito. So ibig sabihin girlfriend na ni RJ yung malanding yun? Naku! Ang cheap naman ni RJ pala. Paki mo ba? Gusto mo ba ikaw? Landiin mo din. Isa nalang kukutusan na niya sarili niya. Kulang pa naman siya sa tulog dahil sa kaiisip sa mga ito. Ngayon gusto niya ring magpahinga at makatulog saglit dahil magpeperform siya mamayang alas 8. Inookopa pa rin ni RJ ang isip niya. Ano kaya kung katukin niya ito sa kabilang kwarto at bigla niyang hubaran? Kung ano anong kapilyahan pumapasok sa isip niya eh! Naku Megan maghunosdili ka wag kang hitad! Mapapatay ka ng mga kanununo nunoan mo! Yawa jud ni! Kaya dumapa nalang siya para pumikit. Dahil maging ang kesama ay mukha ni RJ ang nakikita niya. Hanggang hindi niya namalayan nakatulog na pala siya. Bandang mga alas 5 ng gabi ay nagising siya. Kaya lumabas siya ng kwarto at ipiprito niya lang yung iminarinate niyang karne kanina. Para sa hapunan nila. Pagkalabas niyay nadatnan niyang nakahiga na naman si RJ sa sofa. Mukhang tulog na tulog ito. Kaya hindi niya mapigilang mapatitig sa mukha nito. Shit! Parang kay sarap halikan. Ano kaya kung hahalikan ko siya ngayon tapos pagnahuli sabihin ko nadapa lang ako. Pilya na naman itong nasa utak niya. Kaya naman tumalima na siya papuntang kusina. At nagluluto ng hapunan. Malapit na siyang matapos sa pagluluto ng magising si RJ. Pupungas pungas pa itong pumunta sa kanya. Kay gwapo at kay sarap pa rin nitong halikan kahit bagong gising. Kahit siguro tulo laway nito matulog tulo laway pa rin siya rito. Hehehe “Be prepare yourself after this. I’m gonna take shower now first.” Pagkasabi ay agad naman itong tumalikod. Tsaka siya napatingin sa oras alas 6 pa lang ah. “Kain muna tayo.” Aniya rito. At lumingon ulit ito sa kanya. “Okay. Tataba ako sayo.” “May sit up diyan oh.” Sabay nguso niya sa kanyang kwarto Napatitig naman ito. As in titig na titig. Shit! Parang namumula yata siya. “Okay.” Saka ito tumalikod ulit at diri diritso na sa kwarto nito. Pagkaligo nitoy kumain na din sila. Walang imikan ulit. Saka pagkakain ay siya namay nagready na papuntang The Hangouts. Inihatid siya nito. At maging pagkatapos ay kasama niya rin ito, dahil nanatili lang naman ito sa loob ng bar. Ito kaya may ari, kaya malamang andito ito. Sa araw araw ay lagi siya nitong hinahatid at sinusundo halos mag-iisang linggo na siyang nagpeperform ngayon. Si Mikey naman minsan lang pumupunta. Tinatanong muna kung andito ba daw si Billy. Minsan kasi wala ito. At kapag wala si Billy saka lang ito pumupunta. Mukhang allergic to kay Billy. Hindi nalang niya ininda ang mga ito dahil may sarili naman siyang tinatangi Char! Umamin na talaga. Habang kinakanta niya ang Thinking of You by Katy Perry na sarili niyang version ay si RJ ang nasa isip niya. Comparisons are easily done Once you've had a taste of perfection Like an apple hanging from a tree I picked the ripest one I still got the seed You said move on Where do I go? I guess second best Is all I will know 'Cause when I'm with him I am thinking of you Thinking of you What you would do if You were the one Who was spending the night Oh I wish that I Was looking into your eyes You're like an Indian summer In the middle of winter Like a hard candy With a surprise center How do I get better Once I've had the best? You said there's Tons of fish in the water So the waters I will test He kissed my lips I taste your mouth He pulled me in I was disgusted with myself 'Cause when I'm with him I am thinking of you Thinking of you What you would do if You were the one Who was spending the night Oh I wish that I Was looking into... You're the best And yes I do regret How I could let myself Let you go Now, now the lesson's learned I touched it I was burned Oh I think you should know 'Cause when I'm with him I am thinking of you Thinking of you What you would do if You were the one Who was spending the night Oh I wish that I Was looking into your eyes Looking into your eyes Looking into your eyes Oh won't you walk through And bust in the door And take me away Oh no more mistakes 'Cause in your eyes I'd like to stay... stay. Ewan parang naluha luha pa siyang kantahin ito. Tagos sa puso talaga para kay RJ. Oh my God?! Paano ba niya mapipigilan ang sariling damdamin para rito? Hindi na yata. Hindi na niya kaya. Sa ilang araw niyang pagpeperform dito sa bar ay mukhang nakasanayan na naman niya. Nahahasa lalo ang talento niya. Buti nalang wala na siyang nakikitang Clarissa na naliligaw ulit dito. Kaya ba malungkot si RJ? Dahil wala nang Clarissa? Gusto ba ni RJ na saya? Siya nalang oh andito naman siya. Parang sa ikalawang pagkakataon yatang nagkagusto siya sa isang lalaki ay agad na siyang masasaktan. Impossible talagang magugustuhan din siya nito. Kaya pagkatapos ng performance niya ay sinabi ng isa sa mga waiter doon na dumiritso daw siya sa VIP room. Sinabi na naman ni RJ kanina na may kaibigan silang bagong dating din galing daw sa Bicol ito kasama ang asawa. Kaya naman agad niyang tinawagan kanina si Mikey bago siya nagperform at buti nalang umuo ito kaya andon ang lahat ngayon, naghihintay sa VIP room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD