Hindi Makatulog

1806 Words
CHAPTER 9 THIRD PERSON POV “Crystal… huminga ka nga.” Kung may CCTV lang sa hallway ng mansion ni Ezekiel sa oras na ’yon, siguradong makikita roon ang isang babaeng nakasandal sa pader, hawak ang dibdib, at paulit-ulit na kinakausap ang sarili na parang bagong takas sa horror movie. Si Crystal. Bagong labas mula sa kwarto ni Ezekiel. At sariwa pa sa alaala niya ang cold voice, ang walang suot na pang-itaas, at ang tinging parang kaya siyang i-audit hanggang kaluluwa. “Professional ka,” bulong niya sa sarili. “Massage therapist ka. Hindi ka baliw. Hindi ka lalandi.” Tumango pa siya sa sarili niya, parang may kausap na imaginary best friend. “Okay. Kaya mo ’to.” Pagkababa niya sa hagdan, agad siyang sinalubong ni Manang Ading, may hawak na tray ng tsaa. “O, iha, tapos ka na kay Ma’am?” tanong ng mayordoma. “Opo!” mabilis na sagot ni Crystal. “Masaya po siya. Tumawa po nang bongga.” Napangiti si Manang Ading. “Ay, salamat sa Diyos. Matagal na naming hindi naririnig ’yon.” Ngumiti rin si Crystal, medyo proud. “May talent po talaga ako,” sabi niya. “Hindi lang po sa massage pati po sa pagpapatawa ng mga paralyzed, este… patients.” Napaubo si Manang Ading. “Iha” “Ay! Joke lang po!” agad na bawi ni Crystal. “Dark humor lang po. Sorry po.” Tumawa na lang ang matanda. “Kain ka na. Baka gutom ka.” “Opo,” sagot niya, sabay tingin sa tiyan. “Nagugutom po ako kapag kinakabahan.” Sa dining area, mag-isa siyang kumain. Tahimik. Malaki. Sosyal. At doon niya muling naisip si Ezekiel. Ang boses. Ang likod. Ang paraan ng pagsabi ng “Continue.” Napahampas siya sa noo. “Crystal, tigil.” Hindi niya napansin na may nakamasid pala sa kanya mula sa may pinto. Si Ezekiel. Nakatayo roon, tahimik, naka-long sleeves na ngayon, nakatiklop ang manggas, hawak ang baso ng tubig. Pinapanood niya kung paano kausapin ni Crystal ang sarili, kung paano ito biglang ngumiti, tapos biglang mapapailing, tapos biglang tatawa mag-isa. At sa kauna-unahang pagkakataon hindi siya nairita aliw siya. “Okay lang po ba ’to?” tanong bigla ni Crystal sa sarili, habang tinitignan ang ulam. “O baka po may etiquette na bawal kumain nang ganito sa mansion? Baka po mamaya may fine.” “Walang fine,” malamig na sabi ni Ezekiel. Napatalon si Crystal. “AY!” Muntik na niyang mabitawan ang kutsara. “Sir Ezekiel!” gulat niyang sabi. “Nandiyan po pala kayo!” Tumango lang si Ezekiel. “Kumain ka,” sabi niya. “Mukha kang gutom.” “Opo,” sagot niya, sabay subo ulit. “Kumakain po ako. Very obedient po ako.” Tahimik ulit. Hanggang “Sir?” tanong ni Crystal, hindi makatiis. “What.” “Normal lang po ba na ganito kalaki ang mansion niyo?” tanong niya. “Kasi po parang kahit magtago po ako dito ng tatlong araw, hindi niyo po ako mahahanap.” Tumingin si Ezekiel sa kanya. “Planning to hide?” “Hindi po!” mabilis niyang sagot. “Curious lang po. Curious people survive.” Napailing si Ezekiel. “Finish your food,” sabi niya. “Tomorrow, you’ll start early.” “Opo,” sagot niya. “Anong oras po?” “Six.” Nabilaukan si Crystal. “s*x?!” Inabot ni Ezekiel ang baso ng tubig. “Drink,” utos niya. “Opo,” sagot niya, sabay inom. “Sorry po, akala ko po kasi six PM.” “Six AM,” linaw ni Ezekiel. “Ah,” sabi niya. “Okay lang po. Gising pa po ako n’yan.” Tumango si Ezekiel. Tahimik ulit. Pero si Crystal “Sir?” tanong na naman. Napabuntong-hininga si Ezekiel. “Yes?” “Curious lang po ulit,” sabi niya. “Cold po ba talaga kayo sa lahat ng tao, o special lang po ako?” Napatingin si Ezekiel sa kanya. Diretso. Tahimik. Hindi makabasa si Crystal. “Uh—joke lang po!” mabilis niyang bawi. “Haha. Comedy relief lang po. Ignore niyo na po.” “Sleep,” sabi ni Ezekiel. “You talk too much when you’re tired.” “Opo,” sagot niya. “Noted po ’yan. Sleep equals shut up.” Tumayo si Crystal, dala ang plato niya. Habang paalis “Crystal,” tawag ni Ezekiel. Lumingon siya agad. “Yes po?” “Good job today,” sabi niya. Napangiti siya. Hindi malandi. Hindi pilit. Natural. “Thank you po,” sagot niya. “I’ll do better tomorrow.” Tumango si Ezekiel. Umalis si Crystal. At nang mawala na siya sa paningin napangiti si Ezekiel. Bahagya. Tahimik. Hindi niya namalayang sa mansion na matagal nang seryoso, malamig, at kontrolado. May isang babaeng magulo ang bibig, sablay ang timing, pero kayang magdala ng ingay, tawa, at kakaibang init. At sa kabilang kwarto i Crystal, humiga sa kama, yakap ang unan. “Okay,” bulong niya sa sarili. “Hindi ako mamamatay dito.” Huminto siya. Napangiti. “Pero mukhang… delikado.” At doon nagtatapos ang gabi sa pagitan ng pigil na ngiti, pigil na kaba, at isang simula na hindi na kayang pigilan. Hindi pa rin makatulog si Ezekiel nakatagilid siya sa kama, isang kamay nasa noo, ang isa hawak ang cellphone pero hindi naman ginagamit. Nakapatay ang ilaw, tanging liwanag lang ang mula sa city lights na pumapasok sa malaking bintana ng kwarto niya. Tahimik ang mansion, pero sa loob ng ulo niya maingay. Crystal. Ang boses. Ang tawa. Ang walang preno na bibig. Ang mga tingin niyang parang walang malisya pero diretso sa kaluluwa. Napabuntong-hininga siya. “Ridiculous,” bulong niya sa sarili. Pumikit siya, pilit na binura sa isip ang mukha ng babae. Pero mas lalo lang itong luminaw. Biglang tumunog ang cellphone sa kamay niya. Isang notification. Tapos isa pa. Tapos sunod-sunod na. Dahan-dahan niyang binuksan ang screen. GC nila. Tatlo lang sila roon. Siya. Si Bryan. Si Alex. Matagal na niyang naka-mute ang GC na ’yon pero ewan niya kung bakit ngayon, hindi niya ito pinatay. “Pre gising ka pa?” Sumunod agad ang isa. “Hoy CEO buhay ka pa ba?” Napairap si Ezekiel pero hindi niya maiwasang mapangiti ng bahagya. Nag-type siya. “Ano.” Hindi pa man niya nailalapag ang phone. “OHHH AYAN NA” “SUMAGOT AGAD PRE AH” “INSOMNIA YARN?” Umupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. “May kailangan ba kayo?” reply niya. “Meron,” sagot ni Bryan. “Usapang lalaki.” “Masama ’yan,” singit ni Alex. “Pag alas-dos na tapos biglang gising ang kaibigan namin na workaholic.” Tahimik si Ezekiel sandali. “Wala kayong magawa?” tanong niya. “Meron,” sagot ni Bryan. “Tuksohin ka.” “Pre,” dagdag ni Alex. “You’re blushing.” Napakunot ang noo ni Ezekiel. “Hindi.” “Hindi raw,” ulit ni Bryan. “Pero naka-online pa rin.” “Because I’m bored,” sagot niya. “Talaga?” tanong ni Alex. “O dahil may babaeng gumugulo sa utak mo?” Hindi agad nag-reply si Ezekiel. At doon lalo silang naging makulit. “OYYY” “SILENCE IS CONFESSION” “PRE AMININ MO NA” Napabuntong-hininga siya. “Tumigil kayo,” sagot niya sa wakas. “Tama kami,” sabi ni Bryan. “It’s because that girl again, ’no?” “Anong girl?” kunwaring tanong ni Ezekiel. “TANGINA MO,” mabilis na reply ni Alex. “May pa-‘anong girl’ ka pa.” “Yung massage therapist,” dagdag ni Bryan. “Yung maingay.” Napahawak si Ezekiel sa noo. “Professional ’yon,” sagot niya. “Professional?” ulit ni Alex. “Pre, hindi ka nagigising ng alas-dos para sa professional.” “Hindi ako gising dahil sa kanya,” depensa niya. “Ah oo,” sagot ni Bryan. “Gising ka dahil sa multo.” Tahimik ulit. Pero sa katahimikan na ’yon, biglang pumasok sa isip ni Ezekiel ang eksena kanina. Ang tawa ni Mommy. Ang boses ni Crystal. Ang paraan ng paglabas nito ng kwarto, halatang lutang. Ang paraan ng pagkaka-angat ng ulo nito nang makita siya. “Pre?” tanong ni Alex. “Nandiyan ka pa?” “Nandito,” sagot niya. “So?” singit ni Bryan. “Ano bang pangalan ng babaeng ’yon?” Huminto ang mga daliri niya sa screen. “Crystal,” sagot niya sa wakas. May dalawang segundo ng katahimikan. Tapos “OOOOHHHHHH” “PRE SINABI ANG PANGALAN” “GAME OVER” “Wala ’yon,” agad niyang bawi. “WALA RAW,” sabi ni Alex. “Pero kabisado ang pangalan.” “Massage therapist lang siya,” giit ni Ezekiel. “Pre,” seryosong reply ni Bryan. “Kilalang-kilala ka namin.” “Pag sinabi mong ‘lang’ ibig sabihin may problema.” Napapikit si Ezekiel. “Hindi ako nagkakagusto,” sabi niya. “Hindi pa,” sagot ni Alex. “Pero papunta na.” Tumawa si Bryan. “Pre, kelan ka huling hindi nakatulog dahil sa babae?” Hindi siya agad nakasagot. Matagal. Tahimik. At doon lalong natuwa ang dalawa. “AYAN NA” “NAGHANG NA SI CEO” “WELCOME TO THE CLUB” “Nakakainis kayo,” sabi ni Ezekiel. “Mas nakakainis ka,” sagot ni Bryan. “Masaya ka na pala, tinatago mo pa.” “Hindi ako masaya,” depensa niya. “Hindi ka rin miserable,” kontra ni Alex. “Progress ’yan.” Napabuntong-hininga siya at ibinaba ang phone sandali, pero kinuha rin agad ulit. “Hindi ko kailangan ng advice,” sabi niya. “Hindi rin kami nagbibigay,” sagot ni Bryan. “Nang-aasar lang.” Tahimik ulit. Hanggang “Pre,” seryosong tanong ni Alex. “Ngumiti ka ba ngayon?” Saglit na tiningnan ni Ezekiel ang sarili niya sa salamin sa tabi ng kama. Hindi halata. Pero May kakaiba. “Hindi,” sagot niya. “Sinungaling,” sabi ni Bryan. “Ramdam namin.” Humiga ulit si Ezekiel at tinitigan ang kisame. “Matulog na kayo,” sabi niya. “May trabaho pa bukas.” “May Crystal ka pa bukas,” sagot ni Alex. “Kaya hindi ka matutulog.” “Good luck, Pre,” dagdag ni Bryan. “Welcome sa problema.” Ibinaba ni Ezekiel ang phone. Pero hindi niya ito pinatay. Tahimik ulit ang kwarto. At sa katahimikan na ’yon Hindi niya napigilang ngumiti. Bahagya. Hindi dahil sa tukso ng mga kaibigan niya. Kundi dahil sa ideya na bukas maririnig na naman niya ang boses ni Crystal. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon hindi niya inisip ang trabaho bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD