CHAPTER 31 THIRD PERSON POV Kinagabihan, bumalik sina Ezekiel at Crystal sa hotel na tinutuluyan nila sa Baguio. Tahimik na ang paligid, balot ng malamig na hangin at hamog ang mga ilaw sa kalsada. Kung tutuusin, dapat pagod na pagod na sila maghapon silang naglibot, nagtawanan, naghabulan, at kumain na parang walang bukas. Pero imbes na antok, kakaibang saya ang namamayani sa pagitan nila. Pagpasok pa lang sa lobby, biglang huminto si Crystal at napatingala sa chandelier. “Love,” sabi niya, seryoso ang mukha. “Feeling ko talaga may multo dito.” Napabuntong-hininga si Ezekiel. “Crystal, five-star hotel ‘to.” “Eh ‘di mas sosyal ang multo,” sagot niya, sabay kapit sa braso ni Ezekiel. “Baka naka-coat at may briefcase pa.” Hindi napigilan ni Ezekiel ang matawa. “Grabe ka.” “Love,” bul

