CHAPTER 30 CRYSTAL POV Kung may competition man sa pagiging pinakagutom sa buong Baguio, sigurado akong finalist ako. Pagkapasok pa lang namin sa restaurant na may malaking sign na SAMGYUP ALL YOU CAN, parang may kumalabit agad sa sikmura ko. Yung tunog pa lang ng nag-iihaw na karne sssshhh akala mo background music ng kaligayahan ko. Ang lamig sa labas, pero sa loob, amoy pa lang ng samgyup, parang gusto ko nang umiyak sa saya. “Love…” mahinang tawag ko kay Ezekiel habang inaabot ang menu kahit obvious naman na iisa lang ang kakahinatnan nito. “Pwede bang lahat?” Napatawa siya, yung tawang mababa pero ramdam ko sa dibdib ko. “Lahat ng kaya mong ubusin.” “Promise?” tanong ko agad, nanlaki ang mata ko. “Promise,” sagot niya, sabay kindat. Kung may wings lang ako, baka lumipad na ako

