CHAPTER 29 THIRD PERSON POV Nagpatuloy ang paggagala nina Ezekiel at Crystal sa Baguio na parang wala silang ibang iniintindi kundi ang isa’t isa at ang lamig ng hangin na tila ba mas lalong nagpapainit sa bawat sandali nilang magkasama. Magkahawak-kamay silang naglalakad sa Session Road. Si Ezekiel, kalmado pa rin sa kilos, pero halata sa mata ang kilig na pilit niyang kinukubli. Si Crystal naman walang preno. Kung hindi nagtatalon sa tuwa, eh may sinasabi na naman na ikinapapailing ni Ezekiel. “Love,” tawag ni Crystal sabay hinto bigla, dahilan para muntik nang mabangga ni Ezekiel ang likod niya. “Crystal,” sabi nito, pinipigilan ang ngiti. “Pwede bang maglakad ka muna bago ka huminto?” “Eh kasi naman,” sagot niya, sabay turo sa isang souvenir shop, “ang cute nung bonnet na may ten

