Call Sign

1778 Words

CHAPTER 28 EZEKIEL POV “Sir, sure po ba kayo na dito tayo?” tanong ni Crystal habang nakatayo sa gilid ng taniman ng strawberries, suot ang borrowed na sumbrero na masyadong malaki sa ulo niya kaya halos mata na lang niya ang kita. Ngumiti ako. ‘Yung ngiting hindi ko na kailangang pigilan. “Oo. Sabi ko sa’yo, gusto kong maranasan mo ‘to. Hindi lang Baguio view. Gusto ko ‘yung totoong Baguio.” “Totoong Baguio na may putik?” sagot niya, sabay tingin sa sapatos niya. “Sir, mahal po ‘to. Secondhand pero mahal sa puso.” Tumawa ako. Malakas. ‘Yung tawang matagal ko nang hindi naririnig sa sarili ko. “Relax. Kung madumihan ‘yan, bibilhan kita ng bago.” “Ay wow,” sabi niya, sabay taas ng kilay. “Sugar daddy mode agad?” “Hoy,” saway ko, pero may ngiti. “Boyfriend mode ‘to.” Natigilan siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD