CHAPTER 27 CRYSTAL POV Hindi ko talaga inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga araw ko pagkatapos ng lahat ng kalokohan, aksidente, prank, at mga tinginan na parang may sariling mundo. Akala ko babalik lang kami sa normal ako bilang simpleng Crystal, siya bilang Sir Ezekiel na seryoso, suplado, at parang laging may meeting kahit nasa bahay. Pero mali ako. Sobrang mali. Isang umaga, habang nagtitimpla ako ng kape sa kusina, bigla siyang dumating. Naka-long coat siya, mukhang bagong gupit, at may ngiting hindi ko maipaliwanag. ‘Yung ngiting parang may balak. ‘Yung ngiting nakakapagpa-weak ng tuhod. “Crystal,” tawag niya, kalmado pero may kakaibang lambing. “Opo, Sir?” sagot ko, pilit kalmado pero ramdam ko na ang kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan? Kape lang naman ‘to. “

